Chapter 12: The Question

52 4 1
                                    

Matapos ang casual wear ay sports wear naman ang sumunod.

Volleyball ang napagdesisyunan namin dahil mas madali at convenient.

Nakatali lang ang buhok ko. Isang medyo oversized na jersey sando ang suot ko at ang partner nitong short volleyball shorts na fitted sa akin.

Nang rumampa ako ay may dala akong bola at bago bumalik sa backstage ay naisipan kong kumindat at mag- flying kiss sa audience. No one in particular.

Ngunit bago ako tuluyang makapasok sa loob ng backstage ay nahagip ng aking mga mata ang naka- simangot at nakangusong si Gio Paul sa gilid ng table ng judges. Napangiti na lang ako sa reaksyong meron siya.

Malapad ang ngiti ko ng sinalubong ang mga kaibigan kong mag- aayos muli sa akin. Binigyan nila ako ng nagtatanong na mga mukha ngunit isang kibit balikat lang ang ibinigay ko bilang sagot.

Hindi ko kasi alam kung paano ba sasagutin kung ano man ang mga tanong ng mga kaibigan ko. Hindi naman kasi kami. Walang estado ang relasyon namin. Oo, nagmamahal ako. Mahal ko siya. Pero ang malaking tanong ay ganun rin ba siya? Mahal ko nga, mahal ba ako?

Maraming mga senyales na baka, may chance na ganun din siya pero ayokong asahan lang ang mga walang kasiguruhan niyang mga kilos at salita. I want it. No. I need it straight and direct from him. Dahil ayokong lumipad ng mataas at lumagapak na lang sa huli.

Sunod na ang swimwear category. Suot ko ang two- piece na talagang nagkasya sa akin. Ang iba kasi ay hindi kasya sa akin. Red ang kulay nito na nagpatingkad ng kulay ng balat ko. Tisay nga kung sabihin nila.

Muling inilugay ang buhok ko at nilagyan ako ng isang flower crown na pula rin ang kulay ng mga pekeng bulaklak. Ang huli ay ang isang jumper shorts na umabot lang ilang pulgada matapos ang bikining suot ko. Isa lang ang nakaayos sa pagkakabutones at naghanda na ako sa muling paglabas.

Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago tawagin ang pangalan ko. Kinabahan ako ng makita ang reaksyon ng mga nanonood. Natahimik sila at napatigil sa ginagawang pagchi- cheer sa kani- kanilang mga pambato. Ngunit ipinagpatuloy ko ang paglalakad at bigla na lamang nakarinig ng isang nakabibinging hiyawan na pinangunahan talaga ng dash C.

Binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti and mouthed the words thank you. Bago ako matapos ay ilan pang mga papuri ang narinig mo. Na halos lahat ay sa mga lalaki rin galing.

There words boosted my confidence even more. Ngayon lang, ngayong gabi lang. Hahayaan ko ang sarili ko na maramdaman ang appreciation ng ibang tao.

Ang susunod na category ay Talent na ang dapat naming ipakita. Ang rule na ibinigay ay hindi namin pwedeng sabihin kung ano ang ipipresenta namin sa audience. Isa raw kasi ito sa may pinakamalaking porsyento sa kompetisyon kasunod ng Q & A.

Nagpunta na ako sa isa sa cubicle para maisuot ang bedlah at kapares nito. Habang nagbibihis ay narinig ko ang matamis na boses ng contestant number 1 na Engineering ang course.

Ilang sandali pa ay lumabas na rin ako para matapos ang pag- aayos sa akin.

Habang inaayusan ako ay ang sumunod na contestant naman mula sa Archi ang nakasalang at narinig kong tumugtog ang isang remix ng mga kantang pang-hiphop at doon ay alam kong sayaw ang inihanda niya.

Sunod ay ang mula sa Accountancy na kumanta rin. Para sa'kin ay mas umaangat ang galing ng naunang kumanta dahil tila sanay na ito. Nagpatuloy ang mga kanta hanggang sa contestant number 6 na mula sa Psychology.

Nang matapos siya ay tinawag ako. Dim ang lights at lumakad ako papunta sa gitna ng entablado. Indian seat akong umupo at nagsimula na ang intro ng kanta. Unti- unti ay tumapat sa'kin ang isang spotlight.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon