Nitong mga nakalipas na araw ay masyado akong naging okupado ng kaalamang ipakikilala ako ni Gio Paul sa kanyang mga magulang sa darating na Linggo. May mga pagkakataong mapupunta ako sa malalim na pag- iisip tungkol sa kung ano kaya ang kahihinatnan ng pagkikita namin sa araw na iyon.
"Papasok na po ako sa klase ko." paalam ko sa kanila.
"Nasaan yung prinsipe mo?" takang tanong naman ni Cecille.
"May inaasikaso sa kompanya nila." tipid kong sagot na ikinatango niya na lamang.
Naglakad na ako agad patungo sa klase ko. Nito lang ay mas napapadalas ang pagtulong ni Gio Paul sa kanilang kompanya at sabayan pa na graduating siya kaya sobrang bigat at hirap ng kanyang pasanin.
Sa gabi ay lagi siyang late kung umuwi. Madalas ay inaabot ng ala- onse na matiyaga ko namang hinihintay. May mga pagkakataon ring kailangan niyang manatili hanggang madaling araw para sa mga requirements niya sa eskwela. Hindi niya man sabihin ay alam kong napi- pressure na rin siya. Kabi- kabila ang mga gawain niya na hindi ko malaman kung paano niya pa napagsasabay- sabay lahat.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko dahil sa mga iniisip. Pumasok na lamang ako sa aking mga klase kahit halos hindi ko maramdaman ang aking sarili. Panay ang tanong ng aking mga kaibigan sa kalagayan ko ngayon. Hindi ko naman inilihim sa kanila ang kahit ano dahil malaki an tiwala ko sa kanila.
Sa bawat katanungan nila ay tila lutang ako sa pagsagot. Hindi kasi mawala ang alalahanin ko sa kalusugan at pag- aaral ni Gio Paul.
"Hoy babae! Kanina pa kami tanong ng tanong dito pero ikaw, lutang na lutang lang diyan!" singhal sa'kin ni Emman na sinundan naman ng pagtango ng tatlo.
"Sorry. Iniisip ko lang kasi si Gio Paul. He's been very these past few days na baka kung mapaano siya." malamya kong sagot na sinundan ko ng isang buntong- hininga.
"Elia naman. Alam mong wala tayong magagawa diyan. Nag- iisang tagapagmana ng mga Almendras 'yang boyfriend mo kaya natural lang ang patong- patong na trabahong inaatas sa kanya." pag- aalo sa'kin ni Angel.
"Alam ko naman yun. Hindi ko lang talaga maiwasang mag- alala." pangangatwiran ko pa.
"Ang laki na talaga ng pinagbago mo Elia. Natutuwa talaga kami para sa'yo." biglaang hayag ni Rica sa isang nagmamalaking tono.
"You've grown. Mas naging mature ka na sa mga bagay- bagay. Natuto ka na. Proud kami sa'yo." dugtong naman ni Judy at nginitian ako. Nginitian ko rin sila pabalik.
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...