Nananatili pa rin akong nakatanga ngayon sa kisame. Mag- aalas singko na ng umaga at halos mag- dadalawang oras na akong nakatulala lang at hindi pa rin gustong bumangon. Tila ipinoproseso pa nito lahat ng mga pangyayari.
Simula ng dumating kami dito sa unit niya kahapon ay hindi na ako muling lumabas ng kwarto. Kahit pa ng tawagin niya ako para kumain ng hapunan kagabi ay hindi ako natinag. Nakailang katok siya sa pintuan nitong kwarto ko pero hindi ko siya pinagbuksan. Hindi ko rin pinaunlakan ang mga tawag niya. Pulos tanggi ang natanggap niya mula sa akin. Marahil napagod na lamang siya kaya tumigil at hinayaan na lamang ako.
Laking pasasalamat ko na lamang na hindi niya pinilit buksan ang pintuan ng kwartong ito. Alam ko namang may susi siya eh. Siguro ay naisip niyang talagang kailangan ko ang oras para sa sarili ko. Hindi ko rin naman naramdaman ang gutom. Wala akong ibang maramdaman kundi kawalan. I feel so empty.
Nang tumapat sa alas- singko ang oras at tumunog na ang alarm clock sa bedside table ay nagdesisyon na akong bumangon. Wala namang mangyayari kung magmumukmok na lang ako dito. Basta ang una kong dapat gawin ay mag- ingat at lagyan ng pader ang aking buong sarili. Lalo pa ngayong nasa iisa kaming bubong at alam ko sa sarili kong una pa lang ay talo na ako.
Tumungo na ako sa banyo upang makapaghanda ng sarili para sa pagpasok. Nang matapos akong maligo at magbihis ay nagdesisyon na akong lumabas ng kwarto upang maghanda sana ng almusal namin. Ngunit, pagbukas ko ng pintuan ay sumalubong agad sa akin ang mabangong amoy ng bacon, pancake at toast. Naramdaman ko na lamang ang pagkalam ng sikmura ko lalo pa ng sumabay ang amoy ng kape.
He's awake this really and I'm surprised. Akala ko ay gumigising lang siya at pumapasok agad ng hindi na inaabala pa ang sarili para mag- almusal.
Tinungo ko na ang kusina at nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa stove. He's topless at nakatapis lang ng tuwalya sa kanyang bewang pababa. Kitang- kita ko ang pagflex ng muscles niya sa likod at sa braso habang maingat na niluluto ang nasa kawali. Mahahalata ring bagong ligo siya dahil sa basa niya pang buhok. May iilang butil pa ng tubig na tumutulo mula dito pababa sa kayang batok.
I was stoned where I was standing. Alam ko na noon pa lang na maganda ang katawan niya kahit nakasuot pa siya ng pang- itaas pero mas naging built ito ngayon. Napanganga talaga ako at hindi alam kung ano ang gagawin o papaano kikilos. This is my first time to see him topless. Kahit noong kami ay never ko siyang nakita sa ganitong ayos.
Nang marahil ay naramdaman ang presensiya ko ay napalingon siya. Naisara ko na lamang bigla ang nakanganga kong bibig. Sana ay hindi niya napansin iyon. Unti- unti ng nag- init ang pisngi ko at hinihiling ko na lang na lamunin ako ng lupa, ngayon na.
"Good morning." masiglang bati niya ng lingunin ako. Hindi ako agad nakasagot kaya kunot- noo siya ng lingunin ako ulit.
"G- Good morning." Good job, Annelia! Sa lahat ba naman ng pagkakataon na pwede kang mautal ay ngayon pa. Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng pagtataka.
Hindi ko siya matignan ng diretso sa mga mata dahil sa pagkailang na nararamdaman ko. Basta alam ko lang na napatingin siya sa kanyang sarili. Pinamulahan ako ng pisngi lalo na dahil sa ginawa niya.
"Sorry." nahihiya kong sabi at tinalikuran siya. Bakit nga ba ngayon ko lang naisip tumalikod?
"Sorry din sa ayos ko. Nasanay kasi ako eh. Pasensya na." medyo may ilang at pagkataranta rin sa boses niya na hindi nakawala sa aking pansin.
"A- Ano, ayos lang. Gusto mo ako na lang tumapos ng ano, ng niluluto mo?" tanong ko na lamang upang iwala ang unang usapan namin habang nakatalikod pa rin sa kanya.
BINABASA MO ANG
This Love
RomansaThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...