Chapter 30: Sauce

44 1 1
                                        

Gio Paul has been true enough to his words. At ngayon ko masasabi na our life has been back to normal and its usual routine.

Sa mga nakalipas na araw ay lagi siyang nariyan at may oras para sa akin. Nabawasan na rin naman kasi ang gawain niya sa kompanya. Hindi ko alam kung hiniling niya ba iyon kay Tito Paulo o talagang naging masigasig siya sa kanilang kompanya para agad itong matapos.

"Baka naman ay tinatakasan mo na pala ang mga responsibilidad mo sa kompanya niyo ng dahil lang sa akin. Hindi naman ganun ang gusto kong mangyari eh." nakokonsensiya kong sabi habang nakatunghay sa tanawin na nadadaanan namin. Isang buntong- hininga ang ginawa ko na nagpatawa sa kanya.

"Seriously, Annelia? Hanggang ngayon ba'y duda ka pa rin? I swear, naayos ko na ang mga dapat sa kompanya. Akala ko ba ay gusto mo akong makasama." Tila nanghihinampo ang tono niya sa huling pangungusap na kanyang sinabi.

Napalingon ako sa kanya at nakita ang pagnguso niya bilang pagpipigil sa pagngisi.

"Wag mo nga akong pagtripan. Tampo ka pa dyan kunware." natatawa kong sabi at hinampas siya sa kanyang braso.

"Hey! Ang brutal mo. I was just kidding." tatawa- tawa niyang sabi habang nakatuon pa rin ang pansin sa daan.

Patungo kami ngayon sa university. Siya para sa kanyang pasok ng umaga hanggang hapon. Ako naman ay para sa pasok sa cafeteria at panghapon hanggang gabing klase.

Ilang sandali pa ay papasok na kami sa university at ipinarada na niya ang kanyang sasakyan sa slot na nakatalaga para sa kanya bilang Student Council President. Pinatay niya na ang makina ngunit hindi pa rin kami lumalabas pareho.

"You really sure, ipagpapatuloy mo pa rin ang pagtatrabaho sa cafeteria?" Tila tinitimbang niya ang bawat salitang gusto niyang sabihin upang hindi na kami magkaroon muli ng diskusyon.

Ilang beses kasi namin pinagtalunan ang tungkol dito. Para sa akin kasi ay sobra sobra na lahat ng ibinibigay niya. Ang bahay nakakalula na. Hindi ko hahayaang pati ang matrikula ko ay sagot rin niya. Hindi pa man kami mag- asawa ay masyado niya na akong pinagkakagastusan at hindi ko gusto iyon. Ayokong isipin ng ibang tao na pakakasalan ko si Gio Paul dahil sa pera.

"Uh- huh. Pagtatalunan na naman ba natin ito?" seryoso kong tanong na nagpabuntong- hininga sa kanya.

"Sabi ko nga, hindi na eh. But seriously, you don't have to work at all. I can provide for us. Kahit si papa ay suhestiyon iyon." pangungumbinsi niya pa sa determinadong tinig.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon