Chapter 31: Marami pang pwede

46 1 3
                                        

"And besides, the sauce tastes better on your lips..."

"And besides, the sauce tastes better on your lips..."

"And besides, the sauce tastes better on your lips..."

Tila sirang plaka na umuulit- ulit sa aking pandinig ang mga salitan iyon na sinabi niya. Nakaalis na siya at pumunta na sa sunod niyang klase pero heto at namumula pa rin ang pisngi ko.

"Hoy Elia! Hindi ko alam kung anong mas tamang description diyan sa pisngi mo eh! Kamatis o makopa?" pang- aasar ni Cecille.

"Manahimik ka nga dyan Cecille." saway ko sa kanya at napayuko na lamang.

"Ayieee. Kayo ah?" hirit niya pa at tinantanan na rin ako ng makitang may mga bagong dating na mga estudyante.

Tinungo ko naman ang lababo para hugasan ang mga natirang hugasin dahil wala pa naman akong gagawin dahil kakaunti pa lamang ang tao. Isang oras na lang rin at pupunta na ako sa aking klase.

Nang matapos ako sa paghuhugas ay isinalansan kong mabuti ang mga plato at kubyertos. Lumipas isang oras na halos wala na rin naman akong ginagawa.

Nagpaalam na ako kay Aling Vina at Cecille para sa pagpunta sa aking klase. Nang makarating sa mga benches ay agad kong hinanap ang paborito kong pwesto kung saan lagi rin akong sinusundo ni Gio Paul para maihatid sa aking klase.

Hindi na ganun kasakit sa balat ang sikat ng araw. Idagdag pa na ang puno malapit sa aking inuupuan ay nagbibigay lilim. Tahimik lang akong nakaupo at nag- aabang kay Gio Paul nang matanawan ko ang isang babaeng palapit sa akin. Nakangiti siya ngunit hindi ito nagbigay ng magaan na damdamin sa akin.

Nang makalapit siya sa akin ay naroroom pa rin ang kanyang ngiti. Alanganin naman akong ngumiti sa kanya, sinisikap pa rin na ibigay ang pinaka- totoo kong ngiti.

"Annelia, right?" tanong niya sa isang masiglang tono habang nakatayo sa aking harapan.

Napakasopistikada ng kanyang dating sa suot niyang black sleeveless turtleneck top na tinernuhan niya ng deep red skirt na umabot sa ibabaw ng kanyan tuhod. Pinaresan niya naman ito ng black pumps. Naaadornohan rin siya ng mga alahas na nagsusumigaw sa estado niya sa buhay.

Tipid na tango ang ibinigay ko sa kanya.

"I'm Alice. Remember me?" pagpapakilala niya at naglahad ng kanyang.

"Oo, naaalala kita." paninigurado ko sa kanya at inabot ang nakalahad niyang kamay.

"Malapit na kaibigan kayo ng pamilya nila Gio Paul, hindi ba?" sabi ko bilang paninigurado ko pa na natatandaan ko talaga siya. Tumango siya. Nagbitiw na rin naman kami ng kamay.

"And you're Gio Paul's fiancé." It was more of a statement than a question.

"Well, simula mga bata pa kami ay magkakilala na kami ni Gio Paul. When we reached our teenage years, kinailangan lamang naming tumungo sa Australia dahil doon nakabase ang papa ko. Actually, nagkaroon kami ng pagkakaunawaan ni Gio Paul. Sad to say hindi iyon natuloy dahil nga nangibang- bansa ako." kwento niya na nagdulot ng kakaibang takot sa akin. Ibinuka ko ang aking bibig para magsalita ngunit isinara din ito agad dahil sa hindi ako makapaapuhap ng sasabihin. Hilaw siyang ngumiti at nagpatuloy sa pagsasalita.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon