Tahimik lang kami ngayon sa byahe.
Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta. Hindi niya kasi ako sinagot nang makailang beses akong nagtanong sa kanya. Paulit- ulit na linya na lang ang matatanggap ko sa kanya.
"Basta. You'll find out later." sabi niya.
Hanggang sa napagod na lang akong magtanong at nanahimik na lang.
Para sa'kin, awkward ang sitwasyon na ito. Sobrang lapit niya. Sobrang lapit namin sa isa't isa. At pinapaalala lang ng sitwasyong ito ang mga masasayang nakaraan namin. Na ako na lang ang sumasariwa.
Nakakapagod rin palang mag- isa mong binabalikan ng paulit- ulit ang mga araw na tila isang panaginip bawat bagay at pangyayari. Pero kahit ganun, parang kahit doon na lang, sumasaya ako kahit papaano.
At least, I feel happy. I feel like someday, I'll have what I deserve.
Pero sa kabila nito, umaasa ko. Kahit katiting lang ang posibiidad na may kahulugan ang lahat ng bagay na ipinakita niya sa'kin at ipinadama nitong ilang araw na magkasama kami ay panghahawakan ko pa rin ito. Panghahawakan ko na baka mayroon pa. Hanggang ngayon. Dahil ako, oo. Hanggang ngayon, siya pa rin.
Imbis na mag- isip ng mag- isip tungkol sa mga bagay na iyon ay itinuon ko ang aking pansin sa bintana. Pinagmasdan ko na lang ang bawat madaanan namin.
Mainit ang panahon ngayon at sobrang maaliwalas ng langit. Umaga pa lang naman kaya hindi gaanong masakit sa mata at sa balat ang sinag na dala ng araw.
Sa mas lalo ko pang pagmamasid ay napagtanto ko na kung saan kami magpupunta.
And, I think this one is not a very great idea.
Unti- unting sumisikip ang dibdib ko sa konklusyong naisip ko. Kung saan ba kami dadalhin ng biyaheng ito. Dahil hindi ko yata kakayaning makita ng lugar na siyang saksi kung paano ko sinimulang buuin ang mga pangarap na siyang nawasak ng dahil sa isang hindi ko malamang dahilan.
"Stop the car." bigla kong sabi ngunit nakatuon pa rin ang pansin sa mga tanawin sa labas.
"Bakit? Are you feeling sick?" tanong niya ngunit sa daan pa rin nakatuon ang buong pansin niya.
"No. But please, just. Gusto ko ng makauwi sa bahay." rason ko.
"We're off somewhere. At importante yun. I'll drive you home after this." sabi niya.
"Just. Please." pagpipilit ko.
Napatingin na ako sa kanya. Hindi ko namalayang sunod- sunod na pala ang pagpatak ng luha ko at humihikbi na ako. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pagsikip ng aking dibdib. Halo- halong damdamin ang bumabalik sa akin.
"Wait. What the." sabi niya ng mapatingin sa'kin.
Inihinto niya ang sasakyan niya sa gilid.
"Why are you crying?" tanong niyang puno ng pag- aalala.
Nanatili lang akong nakayuko at humihikbi.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko.
"Tell me. Bakit ka umiiyak?" tanong niya.
"Ayokong tumuloy sa gusto mong puntahan. Gusto ko ng umuwi." sagot ko.
Ang isang kamay niya sa braso ko ay bumitaw at unti- unti niyang hinawakan ang baba ko upang iangat ang ulo ko at tinitigan niya ako.
"Please. Shhh. Stop crying. Just, trust me, okay?" pag- aalo niya sa'kin.
Pinahid niya ng kanyang daliri ang mga luhang patuloy pa rin."Hush now." ulit niya at hinalikan ako sa noo.
Nagsimula ulit siyang magmaneho. Pahikbi- hikbi na lang ako. Hindi rin ganoon kalinaw sa'kin ang mga nararamdaman ko pati na rin ang mga nangyayari sa'kin, sa'min.
Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at sandali siyang tumingin sa'kin. Binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti at pinisil ang aking kamay.
Hindi niya binitawan ang kamay ko buong biyahe. Hindi ko nga lubos maisip na makakarating kami ng maayos sa pupuntahan namin dahil isang kamay lang ang ginagamit niya sa manibela.
Una siyang lumabas ng kotse.
Akma ko ng bubuksan ang pintuan sa gilid ko ng kusa itong bumukas. Nakita ko na lang na nakalahad ang kamay niya upang alalayan ako sa pagbaba.
Tinanggap ko iyon.
"Tara." aya niya.
Muli ay hindi niya iyon binitawan.
Magkahawak kamay kaming naglakad papasok sa resort nila.
Almendras Resort
Napatitig ako sa kamay naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman sa pagkakataong ito. Hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa niya at nandito kami. Hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng bawat kilos at salita niya. Gulong- gulo na ako.
Sa muli kong pagtapak sa lugar na ito ay nagbalik sa akin ang mga alaalang labis na napamahal sa akin. Marahil ay isa iyon sa parte ng aking buhay na nais kong manatili at maulit. Kahit paulit- ulitin iyon ay siguradong hindi ako magsasawa. Hindi ko pagsasawaang ulit- ulitin ang isang pangyayari sa aking buhay na siyang nagbigay kulay dito.
Ngayon na lang pala ulit ako tumapak dito. Ito ang pangalawa.
Marahil ay para akong baliw dahil sa iniisip ko ngunit tila ganitong ganito rin ang eksena ng una kaming magpunta dito. Ang lugar kung saan unang nabuo ang tunay kong mga pangarap.
Napahinto ako sa paglalakad at marahang pumikit. Dahilan na rin para huminto rin siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/23847995-288-k588782.jpg)
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...