Nang nagdaang gabi ay naging totoo si Gio Paul sa mga sinabi niya. Sa akin niya ipinagamit ang kanyang kwarto at hinayaan na ako. Ngunit sa kabila nun ay hindi ko nagawang makatulog. Tila sa nakalipas na gabi lamang dumagaan sa akin ang lahat ng mga pangyayari.
Tinanggap ko ang kasunduang gusto niya. Iniwan ko ang mga Ratagnon na siyang itinuturing kong pamilya. Iniwan ko ang aking karera. At babalik ako sa Maynila.
Mataman ko lamang pinagmamasdan ang bawat madaan ng aking paningin. Hindi ako umiimik o nagsasalita. Ganun rin naman siya. Minsan ay tila nagpapalitan kami ng buntong- hininga na mapait kong ikangingiti.
Tikhim niya ang nagpalingon sa akin.
"Pakikuha naman ng isang sandwich sa likuran." utos niya na agad ko rin namang sinunod. Nang tumingin ako sa likod ay may isang hindi kalakihang basket na may lamang mga pagkain at bottled drinks. Kumuha ako ng isang sandwich pati na rin mineral water.
Hindi ko makuha ang gusto niyang mangyari. This morning ay dumating ang kanilang chopper ngunit hindi kami doon sumakay. Si Lyle lamang ang hinayaan niya doon at paniguradong kanina pa iyon nakarating ng Manila. While he decided that we'll be travelling by land. Apat hanggang limang oras lang naman ang byahe ngunit hindi ko maalis ang mag- isip ng kung ano.
"Eat. Malayo pa tayo. Might as well fill your tummy and rest." sabi niya ng saglit akong lingunin at makitang nakuha ko na ang iniutos niyang sandwich. Nagulat ako doon. Akala ko ay para sa kanya ito.
"Paano ka?" tanong ko.
"I'm fine. Don't worry." sagot niya at nginitian lamang ako. Ngunit hindi ako nakumbinsi sa kanyang sinabi.
I know that my move will be dangerous. Pero hindi ko naman maaatim na ako lang ang kumakain gayong prenteng nakaupo lang ako dito habang siya ay nagmamaneho.
Unti- unti kong tinanggal ang pang- itaas na balot nito hanggang umabot na lang sa gitna. Humugot ako ng malalim na hininga bago ito itapat malapit sa kanyang bibig.
Napatingin siya dito pati na rin sa akin. Gulat ang namutawi sa kanyang mukha na ikinakunot ng noo ko. Binaling niya rin agad ang atensyon sa daan at hindi pinansin ang sandwich. Pero hindi ako natinag.
"I won't eat unless you do the same. So..." hayag ko at inilapit pa lalo ang sandwich sa kanyang labi. He looked at me once again and it made my heart skip a beat. Hindi ko gusto ang naramdaman ko pero hindi ko na rin mababawi pa ang sinabi at ginagawa ko.
Nagbalik lang sa normal ang tibok ng puso ko ng kumagat na siya sa sandwich at nakaayos na ulit ako sa pagkakaupo.
"Thanks." may kasiglahan niyang sabi ng hindi ako binabalingan.
"Y- You're welcome." Hindi ko alam kung bakit ako nautal ngunit dahil doon ay napainom ako ng tubig at kumain na lang rin sa parehong sandwich.
Unti- unti akong nagmulat ng makarinig ng marahang tawag sa aking pangalan. Sinalubong ako ng nakangiting si Gio Paul na prenteng nakasandal sa headrest ng kanyang upuan at marahil ay nagpapahinga. Agad kong inayos ang aking sarili at siniguradong hindi nakakahiya ang hitsura ko. Hindi ko siya agad binalingan ng mapagtantong nakahinto pala kami.
Tumingin ako sa bintana upang tignan kung nasaan na kami. Nakaparada siya sa tapat ng isang restaurant. Ang buong lugar naman ay napaliligiran na ng mga matatayog na mga buildings. Nakarating na pala kami ng Maynila ng hindi ko namamalayan. Nilingon ko siya at nakita ang pagod niyang mukha. Habang nakasandal ay nakapikit siya at marahil nag- iipon ng lakas mula sa mahabang byahe. Guilt immediately flooded my whole system. Hindi ko na kasi namalayan na nakatulog ako.
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...
