Ibinaling ko ang aking tingin sa mukha ni Gio Paul at nakita ko ang agad na pagkawala ng gulat sa kanyang mukha at napalitan ng pagkataranta at pag- aalala.
Muli akong umatras ngunit mabilis na nakalapit sa akin si Gio Paul.
"Bakit ka may sugat? Saan nanggaling 'to? Kanina ba?" sunod- sunod niyang tanong na hindi ko sinagot. Hawak niya ang kamay ko at nakatitig siya mga palad kong may sugat at ang isa ay dumudugo.
"Kanina lang 'to hindi ba? Sa labas?" puno ng takot ang kanyang mga mata ng itanong sa akin yun.
"H- Hindi. Ano, uhm, wala 'to. Hindi naman masakit." pagtanggi ko dahil hindi ko gustong dahil sa mga sugat ko ay tanggapin niya ulit ko. Ayokong dahil sa mga sugat ko lang kaya siya makikipag- ayos. Gusto kong ipakita na kaya ko ring magbigay ng effort para sa kanya. I want to melt the cold by doing something big for him at hindi sa ganitong paraan.
Marahan kong hinila ang mga kamay ko mula sa kanya.
"Huhugasan ko lang 'to at gagamutin, kaya ko naman. Sige na, mauna ka na sa taas." paliwanag ko sa kanya at nang akmang itatagong muli sa aking likuran ang mga kamay ko ngunit muli niya itong kinuha. Medyo humigpit ang hawak niya at hindi ko na nagawa pang ipiglas. Marahan niya akong hinila pabalik sa sala pero napaungol akong muli dahil sa sakit ng sugat sa aking tuhod.
Napatingin siya sa akin ng mapaaray ako. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at nanlaki ang kanyang mga mata ng madaanan nito ang sugat ko. Nag- iwas ako ng tingin.
Nanlaki ang mga mata ko ng lumuhod siya sa aking harapan. Tumindig ang balahibo ko ng haplusin niya ang sugat ko. Napatingin ako sa kanya. Marahang haplos ang ibinibigay niya rito. Nararamdaman ko rin ang kanyang hininga habang hinihipan ito.
Ilang sandali pa ay tumayo siyang muli at walang pasabing binuhat ako.
"Gio Paul, kaya ko. Ibaba mo na ako." pagpiglas ko pero hindi siya natinag. Nagpatuloy na siya sa paglalakad patungo sa hagdanan.
"Kaya ko talaga. Hindi mo kailangang gawin 'to." dagdag ko pa.
"Hindi mo kaya at gusto kong gawin 'to, okay?" ma- awtoridad niyang sabi habang matamang nakatitig sa akin. Natahimik na lang ako at humilig sa kanya.
"I miss you." malungkot kong sabi na nakapagpahinto sa kanya.
"I can see that." nanunuya niyang sabi na hinayaan ko na lamang.
-
Nang makarating kami sa kwarto ay dumiretso siya sa gawi sa banyo. Sa loob ay marahan niya akong pinaupo sa bowl. Sandali niya akong iniwan at kumuha siya ng sabon at pinuno ang tabo ng tubig.
Binuhusan niya ang sugat ng tubig bago marahang kinuskos ng sabon. It sent shivers from my nape down to my spine.
Nang matapos siya sa ginagawa ay binanlawan ito at mabilis na lumabas ng banyo. Nang makabalik ay may dala na siyang isang tuwalya.

BINABASA MO ANG
This Love
RomansaThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...