Matapos kong magbihis ay agad akong lumabas ng kwarto. Nakatayo siya sa gilid at prenteng nakasandal sa pader. Pero ngayon ay may dala na siyang hiking bag na nakalapag sa may paanan niya. Marahil sa gitna ng pagligo ko ay kinuha niya iyon.
Napatingin siya sa'kin at pinagmasdan ako. Ganun rin ako sa kanya at napagtanto kong pareho kaming nakasuot ng white polo shirt at pareho ang style ng mga sapatos na suot namin.
Nang binalingan ko ang kanyang mukha ay blangko lang ang kanyang ekspresyon. Ni walang kahit ano akong mabasa sa mga mata niya. Bigla ay nagwala ang mga paru- paro sa aking tiyan. Tila nagpaparamdam sila na may mali sa sitwasyon.
Ininda ko ang mga bagay na dulot nila sa'kin. Tahimik lang akong naghihintay kung ano ba ang dapat kong gawin.
"Tara na." aya niya.
Tumango lang ako at sumunod na lang sa kanya. Bigla ay parang may kumirot sa puso ko. Parang bula na nawala ang kasiyahang kanina lang ay naramdaman ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa biglaang pag- iba ng ihip ng hangin.
Patuloy lang kami sa paglalakad ngunit wala dun ang isip ko. Bumagabag sa akin ang biglaang pagiging blangko niya. Parang ayaw ko na lang tumuloy sa hiking namin. Gusto ko na lang bumalik sa kwarto ko at tumitig sa kisame.
"Aray."
Napahinto ako sa paglalakad ng maumpog ako sa isang matigas na bagay. Sa sobrang pag- iisip ay hindi ko na pala namamalayan kung saan ba ako dumadaan.
Napatingala ako sa kung saan man ako naumpog. Ang inakala kong pader ay si Gio Paul pala. Malalim ang titig niya sa'kin na tila tumatagos sa aking kaluluwa. Muling nagwala ang mga paru- paro sa tiyan ko. Ngunit ngayon ay naghuhurumentado sila gaya ng puso ko.
"Shit."
Iyon ang mga salitang nagwpawala ng atensyon ko sa mga paru- paro at sa puso ko.
Nag- iwas ako ng tingin dahil tila binabasa niya ang pagkatao ko dahil sa matinding titig niya.
Tumalikod siya at narinig kong nagpakawala muna siya ng iilang mura bago muling humarap sa'kin. Sinabit niya sa'king tenga ang mga takas na buhok na humarang sa'king mukha.
"It shouldn't be like this. But, damn! It's driving me insane." frustrated niyang sabi.
Parang hangin itong umabot sa'king pandinig. Naramdam ko ang pag- iinit ng aking pisngi at paniguradong parang kamatis na ako sa pagpula ng mga ito.
"Damn it! You're making me insane." nakapikit niyang dugtong.
BINABASA MO ANG
This Love
RomansaThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...