Chapter 59: Hintayin

49 2 9
                                        

Ito na ang huling araw na mag- isa ako dito. Ngayong gabi ang uwi ni Gio Paul at bukas ay makakasama ko na siya ulit.

Matapos ang naging bonding time naming magkakaibigan ay mas naging panatag ako. Mas naramdaman kong kaya ko. Gusto pa sana nilang magtagal ng araw na iyon ngunit sa sunod na araw ay may mga pasok na rin sila at kailangang asikasuhin kaya nakuntento na kami sa halos isang buong araw naming pagkakasama- sama. Nagpalitan na lamang kami ng numero upang magkaroon ng contact sa isa't isa lalo na sa akin.

Sa kabila ng sayang nararamdaman ko dahil sa aking mga kaibigan ay agad pa rin itong napapalitan ng pangungulila at lungkot. Mula kasi ng tumawag si Gio Paul nang araw na patungo sila sa Italy ay hindi na ulit siya tumawag pa. Tanging sa opisina lang ako nakakuha ng update na naririto na ulit siya bukas ngunit base lang rin iyon sa iniwan nitong memo at mga gawain sa kanila.

Ni isang personal na mensahe o tawag ay hindi ako nakatanggap mula sa kanya. Maging si Marie ay hindi rin. Kaya lalo akong nalungkot at higit sa lahat ay nagtaka at nag- alala. It was so unusual of him na hindi magparamdam. O baka talagang kinakailangan niyang ibuhos ang oras niya para maging matagumpay ang pagpunta nila sa Italy.

Mas mabuti pang alisin ko na lamang lahat ng negatibong iniisip ko at mas pagtuonan ng pansin na darating na rin siya bukas. Hindi ko man aminin ay ramdam na ramdam ko na ang pananabik sa pag- uwi niya. Para akong isang batang naghihintay sa pag- uwi ng kanyang mga magulang. Para akong isang batang nag- aabang sa mga pasalubong at dala ng kanyang mga magulang na galing sa ibang bansa. Para akong isang batang sabik na makita pagkatapos ng matagal na panahon ang kanyang mga magulang.

It is an OA feeling. Pero ito talaga ang nararamdaman ko. Na para akong isang ulila sa atensyon at pagmamahal na sa wakas ay ninais na balikan at mahalin muli. It was something painful but at the same time, it was something to be excited about.

Nagising ako ng paulit- ulit na tunog ng doorbell. Napatingin ako sa wall clock at napagtantong umaga na pala. Napamasid rin ako sa aking paligid bago napagtantong nasa salas pala ako nakatulog. Nagpatuloy sa pagtunog ang doorbell kaya naman tumayo na ako at nag- inat inat bago tinungo ang pintuan. Itinali ko ang aking buhok gamit lamang ang aking mga daliri kahit na basa pa ito mula sa pagkakaligo ko ng hatinggabi. Nang nasa pintuan na ako ay tsaka ko lamang napagtanto kung bakit sa salas ako nakatulog.

Agad na dumaloy sa aking sistema ang kaba at pananabik. Ngunit tila may kakaiba pang damdamin na dumagdag dito. Hindi ko ito mapangalanan. O mas mabuting sabihin na ayoko itong pangalanan sa ngayon. Inabot ko ang seradura at dahan- dahang binuksan ang pintuan.

Hindi ko alam kung halata ba sa mukha ko ang pagkadismaya ng makitang ibang tao ang kaharap ko ngayon. Agad ko rin naman itong pinalis ng makita ang masaya at maaliwalas na mukha ni Alice. Ayos na ayos siya na tila pupunta sa isang espesyal na okasyon. Bahagya naman akong nahiya dahil kagigising ko lang at tanging pambahay lang ang suot ko.

"Good morning, Elia. Did I wake you up?" masiglang bati niya. Binati ko rin siya at nginitian bago umiling sa kanyang tanong.

"Still, sorry for bothering you this early morning. Mind if I come in?" sa kanyang sinabi ay natauhan ako.

"Sorry. Pasok ka." Nilakihan ko ang bukas ng pintuan at pinatuloy siya. She entered Gio Paul's unit gracefully. Tila ba alam na alam niya na ang lugar na ito. Tila ba kabisado niya na ang bawat sulok nito. Pero umalingawngaw sa aking isip ang sinabi ni Gio Paul. Bukod sa cleaner at kay Tita Giana ay wala ng iba pang babae ang nakatapak dito sa kanyang unit. Ang bagay na iyon ay nakapagpawala ng mga bagay na nagsisimula na namang tumakbo sa isip ko.

"So, he decided to let you stay here. Hmm. Finally, nagdala na siya ng ibang babae dito bukod sa cleaner niya at kay Tita Giana." I was even more relieved when she stated that matter.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon