"Wala pa rin bang text o tawag galing sa kanya? " malungkot na tanong ni Emman habang nakahalukipkip sa aking harapan. Umiling na lamang ako.
Linggo at papalubog na ang araw. Ngunit kahit isang reply o sagot ay hindi ako nakatanggap. Kapag tinatawagan ko naman ay hindi siya sumasagot.
Marahas na buntong- hininga ang narinig ko mula kay Emman.
"Ano ka ba, Emman?! Ayos lang. Siguro pagod lang yun." masigla kong sabi at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Baka nagtatampo pa rin." mahina niyang sabi. Isang mapait na ngiti ang ibinigay ko sa kanya bago muling magsalita.
"Okay lang. Ako ng bahala. Kakausapin ko." pangungumbinsi ko sa kanya.
"Basta, magtext ka ha? Wag kang mahihiyang magsabi kapag nagkaroon ka ng problema." paalala niya habang hinahatid ako sa sakayan.
Nais pa nga niya na ihatid ako hanggang sa bahay ngunit laking tanggi ko dahil sa abalang naidulot ko na sa kanya.
Nang makarating sa sakayan ay nagpaalam na rin ako sa kanya na uuwi na agad at wala ng pupuntahan pang iba dahil baka naroroon na si Gio Paul. Kung wala naman ay hihintayin na lamang siya.
Saglit kamin nagyakap at sumakay na rin ako agad sa jeep na nakapila.
Dahil malapit sa SJU ang tinutuluyan ni Emman ay matatagalan rin ako sa byahe. Sa Quezon City kasi ang bahay na binili ni Gio Paul habang nasa Maynila naman ang SJU.
Mahigit isang oras din ang naging byahe ko dahil traffic at Linggo. Nang makarating sa gate ng village ay nagdesisyon akong lakarin na lang hanggang sa bahay. Medyo malayo rin ang lalakarin ngunit naisip kong maaaring maghihintay pa ako.
Kinse minutos ang kinain ng paglalakad ko mula gate ng village hanggang sa bahay. Madilim sa loob at ni isa sa mga ilaw ay walang bukas. Walang bakas ng bagong dating na tao. Idagdag pa na wala pang nakaparadang kotse sa garahe.
Napabuntong- hininga na lamang ako. Agad akong naghalughog sa loob ng aking bag ng susi. Ilang ulit ko ng tinignan sa bawat sulok ngunit hindi ko pa rin ito nakikita.
Baka naiwala ko iyon o nakalimutan kung saan kaya naman sumusukong nanatili na lamang akong nakatayo at nakasandal gate habang nahhihintay.
Isang simpleng t- shirt lang ang suot ko at maong na umaabot lang hanggang tuhod na pinaresan ko ng sneakers. Sa aking harapan ay ang backpack ko. Malamig ang simoy ng hangin kaya agad akong napayakap sa aking sarili.
Napatingin ako sa aking wristwatch.
7: 30 pm
Medyo maaga pa naman kaya siguro hindi pa nakakauwi si Gio Paul. Kinuha ko mula sa aking bulsa ang cellphone upan tignan kung may text o tawag na roon ngunit wala pa rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/23847995-288-k588782.jpg)
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...