Sa sumunod na mga araw ay halos excused ako sa mga subjects ko para mag- practice para sa pageant. Kung papipiliin ay mas gugustuhin ko pang pumasok sa mga subjects kong na-miss kaysa naman magpakahirap at mapahiya sa mga kapwa ko contestants
Unang araw ng liinggo at papasok ako sa klase ay pinadiretso ako dito sa Hall na paggaganapan ng mismong pageant. Talagang istrikta ang trainers namin. Isang nasa thirties na walang love life at isang echoserang bakla. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba lahat o kinakarma ako kahit wala naman akong matandaan na nagawan ko ng masama.
Umpisa pa lang kasi ay ako na ang napuna ng trainers namin. Ilang ulit kasi akong natatapilok suot ang high heels na ipinahiram nung bakla naming trainer. Hiyang- hiya ako sa sarili ko dahil sa mga tingin na ibinigay sa'kin ng mga kasamahan ko. Patago rin sila kung tawanan ako.
Naramdaman ko na lang ang unti- unting pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. Ngunit hindi ko hinayaang tumulo ni isang patak mula sa mga ito. I won't give them the satisfaction they want to have from me.
And so I remembered how dash- C cheered when I agreed to their decision. It was the best sight of them I ever saw. And I won't fail them or disappoint them.
Binigyan kami ng 30 minutes as break time matapos ang ilang run ng pagrampa at introductions. Naupo ako sa parte ng hall na tahimik. Humiwalay ako sa kumpol ng mga sopistikada at masyadong magagarang mga babae na hindi ko kailangan man magiging kalinya.
Isinandal ko ang likod ko sa upuan at ipinikit ang aking mga mata. Ganito pala ang ginagawa sa mga beauty contest. Nakakatuwa na nakakapagod dahil ni sa ginagap ko ay di ko man lang naisip na mapapasabak ako sa ganitong klase ng laban. Mas gugustuhin ko nga lamang na sumali sa essay writing at iba pa na related sa pagsusulat.
"You seemed to be very engrossed in your thoughts. Mind if I join you?"
Agad akong napamulat ng marinig ang boses ng nagsasalita. Napatang ako sandali ng makita ang distansya naming dalawa.
Nakatungo siya sa aking harapan. At siguro kung mas naging padalos dalos ako ay naglapat na ang aming mga labi. Ngunit sa kanila ng kabang bumalot sa akin ay hindi nakatakas ang mabangong amoy ng kanyang naghalo na atang pabango at pawis.
Nanatili akong gulat at napatango na lang bilang pagpapahayag na maaari niya akong tabihan. Nang makaupo siya ay saglit na dumako ang mga mata ko sa mga babaeng gulat at inis sa nangyayari. Kung nakakamatay lang siguro ang mga titig nila ay malamang na hindi na ako humihinga sa mga oras na ito.
Ibinaling ko na lang rin agad kay Gio Paul ang atensyon ko.
"Napadpad ka dito?" takang tanong ko.
"Came by to check on you." sagot niya at isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa'kin.
Awtomatikong naramdaman ko ang pag- iinit ng mga pisngi ko kaya naman ibinaling ko sandali sa ibang direksyon ang tingin ko at dumiretso ito sa suot niyang uniform nila para sa basketball.
"May practice kayo?" tanong ko na manghang mangha dahil siya anfg team captain ng varsity.
Isang tango lang ang isinagot niya.
"Eh bakit nandito ka? Baka mapagalitan ka ng coach niyo. Balik ka na dun." natataranta at nag-aalala kong sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/23847995-288-k588782.jpg)
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...