Unti- unti akong nagmulat ng mata.
Sandali akong nasilaw ng liwanag na una kong nakita.
Tila may malamig na bagay akong naramdaman sa aking noo kaya naman agad akong napahawak dito.
"Bimpo." naibulong ko sa aking sarili.
Akma akong uupo mula sa aking pagkakahiga nang maramdaman ko ang init ng kamay ng isang lalaki. Agad kong naibaling ang aking tingin sa kanya.
Napatitig ako sa magkalapat naming mga kamay. Ang tagal na rin pala mula nung huli kong maramdaman yung safety na dulot ng paghawak niya sa kamay ko.
Napadako ang tingin ko sa kanyang mukha.
Walang pinagbago ang mukha niya. Mas gumwapo nga lang at mas nadepina pa ito. Yung balat niyang sobrang kinis na kahit alikabok at pawis ay mahihiyang dumapo. Yung matangos niyang ilong. Yung mga pilik- mata niyang mahaba. At ang labi niyang mapula.
Ngayon ko na lang pala ulit natitigan ng ganito ang mukha niya.
Hindi ko nakalimutan ang mukhang ito. At aaminin ko, sobra ko pa rin talagang pinanabikang masilayan ulit siya. Ngunit sa kabila nun ay tila nawasak naman ako.
Paano nga ba kami nasira? Ano bang mali?
Natatawa na lang ako sa tumatakbo sa isip ko. Tila hindi pa rin ako nagsasawa kakaisip sa mga bagay na kahit kailan yata ay hindi ko malalaman ang sagot. Mananatili na lang talaga siguro itong nakaraan na hindi na dapat pang ungkatin at sariwain.
"Hey! Are you not feeling well again?" marahan niyang tanong.
At kasunod nito ay ang pagdampi ng kanyang daliri sa aking pisngi upang pahirin ang luhang dumaloy dito.
Hindi ko namalayang napaluha na naman ako sa takbo ng isip ko. Nitong mga nakaraang araw ay nagiging cry baby na ako. Dulot siguro ng sobrang bigat kong nararamdaman.
Nag- iwas ako ng tingin sa mga mata niyang kanina pang nakatitig sa'kin at umiling na lang.
"Annelia, tell me. May masakit pa ba sa'yo? Anong pakiramdam mo ngayon?" nag- aalala at natataranta niyang tanong sa' kin.
"Wala talaga. Ayos na ako." nahihiya ko namang sagot.
Hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman sa inaakto niya. Ngunit hinayaan ko na lang mangibabawa ang kapiranggot na kasiyahang alam kong mawawakasan din.
Pang- ilang beses niya ng binabanggit muli ang aking pangalan. Simula kasi ng bumalik siya ay pormal lang ang trato niya sa'kin. Isang empleyado. Isang tila estranghera. Kaya naman ngayon ay tila musika ito sa aking pandinig. Siya lang talaga ang tumatawag sa'kin sa buo kong pangalan. At unti- unti ko na namang namimiss ang lahat- lahat.
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...