Naging normal ang mga sumunod na araw. Naipaliwanag ko na rin sa mga bata na magbibigay ng tulong sila Tita Giana. Ngunit hindi ko ipinaalam sa kanila ang gagawin kong pagbalik sa Maynila tuwing Sabado at Linggo. Ayaw kong isipin nila na iiwan ko sila gayung hindi naman. Ipinaubaya ko na lamang kay Apo Mait at sa mga nakatatanda ang pagpapaunawa sa mga bata ng napagkasunduan namin nila Tita Giana. Hindi ko kasi kayang makita ang magiging reaksyon nila kapag ako mismo ang nag- anunsyo.
Dumating ang Sabado. Mas maaga akong gumising kaysa sa normal na nakasanayan. Kailangan kong ayusin at asikasuhin ang aking sarili ng maaga dahil anumang oras ay maaaring dumating ang sundo ko na ipinagpilitan rin ni Tita Giana. Kung papipiliin ako ay mas gugustuhin ko ang ako na lamang ang gagastos para sa pagbyahe ko papunta sa Maynila ngunit mas praktikal nga ang rason ni Tita na mas matitipid ko ang oras at magagamit sa mas mahahalagan bagay.
Minsan hindi ko maintindihan kung saan humuhugot si Tita Giana ng kanyang aura. Mabait na tipong susuko ka sa anumang hilingin niya. Sa edad niya at antas sa buhay ay mabibilang na lamang ang mga katulad niyang may busilak pa ring puso.
Nagsusuklay ako ng buhok ng maramdaman kong may nakatitig sa akin at nagmamasid. Nilingon ko siya at tama nga akong si Gelay ito. Nakatayo siya sa bukana ng naghihiwalay sa sala- kusina at kwarto. Ngunit kalahati lamang ng kanyang katawan ang kita ko at ang kalahati ay nakatago. Nanatili siyang nakasilip at tila tinatantsa kung tama ba ang kanyang ginawa.
Ngumiti ako sa kanya at tinawag siya upang lumapit sa akin. Pinaupo ko siya sa aking tabi dito sa upuan sa nagsisilbing sala at kusina ng aming barong- barong. Sumunod naman siya at mataman akong tinignan.
"Saan ka po pupunta Ate?" maang tanong niya habang naghihintay ng aking sagot.
Bata pa si Gelay. Apat na taong gulang pa lamang siya pero kapansin- pansin ang ganda niya. Kahit nga ngayon na hindi pa siya naghihilamos at nakakapagsuklay ng kanyang buhok ay matingkad ang ganda niya. Idagdag pa na madali siyang matuto at matalinong likas. Kaya naman hindi ako magtataka na nakuha niya ang mangyayari at pinagkasunduan namin nila Tita.
"Babalik ako sa Maynila Gelay." malumanay kong sabi. Gumuhit agad ang lungkot sa kanyang mukha at kumirot ang isang bahagi ng aking puso dahil doon.
"Talikod ka sa'kin Gelay para masuklayan kita." sabi ko muna dahil alam kong may nabubuo siyang konklusyon sa kayang isip. Sumunod naman siya at sinuklay ko nga ang kanyang buhok.
Namahagi ang katahimikan sa amin bago niya ito basagin sa isang katanungan pa ulit.
"Hindi ka na po ba uuwi pa dito? Ayaw mo na po ba sa'min?" putol- putol at garalgal ang pagkakasabi niya sa bawat salita. Alam kong sinisikap niyang buuin ang mga salitang gusto niyang itanong sa akin lalo na at naiiyak pa siya.
Pinagpatuloy ko ang marahang pagsusuklay sa kanyang buhok bago siya sinagot.
"Kayo na ang pamilya ko Gelay. Aalis ako pero babalik ako syempre. Hindi ko kayo iiwan, tandaan mo 'yan ha?" malumanay pa rin ang pagkakasabi ko upang mapigilan ko ang pag- iyak niya. Isang singhot ang narinig ko mula sa kanya na nakapagpangiti sa akin bago siya humarap.
![](https://img.wattpad.com/cover/23847995-288-k588782.jpg)
BINABASA MO ANG
This Love
RomansaThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...