Chapter 29: Kiss away

44 2 1
                                    

Habang naglalakad sa kung saan ay hindi pa rin matigil ang aking mga mata sa pagluha. Ramdam kong mugto na ito dahil kanina pa ako umiiyak. Wala na akong pakialam kung saan ba talaga pupunta o kung sinuman ang mga taong makakasalubong.

I just want to be alone, that's it. Gusto kong mapag- isa at ayusin ang aking sarili. Gusto kong muling itayo ang mga pader na nagiba. Gusto kong muling panindigan ang mga prinsipyong binali ko.

Nanghihinang napaupo na lamang ako sa may gilid ng kalsada na hindi dinaraanan ng mga sasakyan. Hindi ko alintana ang dumi at alikabok na maaaring dumikit sa pajama na aking suot. Hinayaan ko na lang rin ang aking sarili na damhin ang malamig na gabi sa suot kong isang simpleng t- shirt.

Isinandal ko na lamang ang aking ulo sa magkadikit kong mga tuhod. Pinalis ko ang mga luhang ayaw pa rin huminto.

"Will you stop the crap, Annelia! Stop crying like some little kid! Stop being so immature!" sigaw ko sa aking sarili dahil sa hindi ko na malaman kung ano ba ang nararapat kong gawin.

Naiinis na napasabunot na lamang ako sa aking sarili at bumuntong hininga. Pinulot ko ang isang bato malapit sa akin at binato ito sa kawalan. And it made me feel a little light. Tila gumaan ang loob ko sa ginawa ko. Kaya naman pumulot akong muli ng isa pang bato at inihagis ito ng malakas kung saan.

"I hate myself for everything I've said! I hate myself for being too much! I hate myself for feeling too much!" nanghihina kong sigaw sa kadiliman at kawalan. Tila ilaw ng iilang poste ang nagsisilbing liwanag ko. Idagdag na rin ang buwan at bituin sa langit.

"Bakit kasi hindi na lang ako naging manhid eh? So I won't feel jealous and possessive over him. So I won't get hurt and cry in the end." Pagkausap ko pang muli sa aking sarili habang unti- unti ng humuhupa ang pagluha. Nanatili na lamang akong nakatitig sa kawalan habang nararamdaman ang malamig na simoy ng hangin at pag- iisa sa gabing ito.

Ilang sandali pa ay agad akong nasilaw ng headlights galing sa isang sasakyan na papalapit sa gawing kanan. Nang mapagtanto kung kanino iyon ay agad akong napatayo mula sa aking pagkakaupo at lumakad sa direksyong taliwas kung nasaan ang kotse.

Mabilis at malalaki ang bawat hakbang ko. Nararamdaman ko rin ang kakaibang pagpintig ng puso ko. Kasabay nito ay ang pagwawala ng mga paru- paro sa aking tiyan.

This is wrong. So wrong. Dahil sa kabila ng lahat ng sakit at pighating kanina ko lamang naramdaman ay heto at nagwawala ang sistema ko sa kaalamang nariyan si Gio Paul at nakasunod sa akin.

Napahinto ako ng huminto rin sa aking harapan ang kotseng lulan si Gio Paul. Ni hindi ko namalayan na nauna na siya sa akin at agad na naharangan ang daraanan ko kaya hindi na ako muling nagtangkang umalis at nanatili na lamang kung saan ako nakatayo. It would be useless after all.

Agad ang pagbaba niya sa kanyang sasakyan at mabilis na pumunta sa harapan ko. Kitang- kita ko ang tila pagod at nahahapo niyang itsura taliwas sa pagdating niya kanina sa bahay. Nag- iwas ako ng tingin at humakbang paatras ng maramdaman ang init niya malapit sa akin.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon