Nang magising ako sa umaga ay naramdaman kong muli ang kalungkutan. Walang gana akong bumangon at dumiretso sa banyo.
Tinignan ko ang aking sarili sa salamin at nakitang mugto ang aking mga mata. Ang make- up na inilagay ko kagabi ay kalat na rin. Naghilamos ako at nagsipilyo. Muli kong tinitigan ang aking sarili sa salamin.
Ang ilalim ng aking mga mata ay nangingitim at mugto pa rin ng sobra ang aking mga mata. Napailing na lamang ako sa sarili at dumiretso sa pagligo.
Matapos maligo ay nag- ayos ako ng sarili.
Una kong tinignan ang aking cellphone para tignan kung may tawag o text ba mula kay Gio Paul ngunit ni isa ay wala. Agad na bumaha sa akin ang mga alaala ng nakaraang gabi. Naramdaman ko ang namumuong luha sa gilid ng aking mga mata kaya agad kong pinalis ang naiisip.
Mabilis akong bumaba upang tignan kung may bakas ba ng pag- uwi ni Gio Paul dito sa bahay. Ngunit nanlumo na lamang ako dahil ni isang gamit sa kusina o sala ay hindi nagalaw.
Nang lumabas ako ng bahay ay wala ring kotse na nakaparada kaya naman, nawalan na ako ng pag- asa. Hindi ko sinubukang itext siya o tawagan.
Wala sa sarili akong umalis ng bahay at pumasok sa cafeteria.
Nanatili akong wala sa sarili hanggang sa mag- umpisa ang araw. Mali- mali ang halos lahat ng kilos ko. Hindi ko na nga alam kung ano ang sinasabi ng mga kasama ko sa akin.
Nagulat na lamang ako ng bigla akong hawakan ni Cecille sa magkabilang braso na siyang nakapagpahinto sa akin.
"Sige na, Annelia. Magpahinga ka na lang." bilin niya sa akin at iniabot ang aking bag at tinanggal ang apron mula sa akin.
Isang tipid na malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa kanya at sinunod na lamang ang sinabi niya.
Tinungo ko ang lugar na lagi kong pinaghihintayan kay Gio Paul. Umaasa ako na baka puntahan pa rin niya ako eh. Umaasa ako na hinanap niya ako. Umaasa ako na may sasabihin siya.
Ngunit, kahibangan lahat ng naiisip ko. Alam kong wala siya. Alam kong hindi siya pupunta.
Mula sa aking bulsa ay kinuha ko ang aking cellphone at d- in- ial ang numero niya pero nang sa pangalawang beses itong mag- ring ay pinatay ang tawag.
Ibinaba ko mula sa aking tenga ang cellphone at napatulala na lamang.
"Bad trip naman Gio Paul oh!" angil ko sa aking sarili.
Ibinalik ko na lamang sa aking bulsa ang cellphone ko. At bigla napatingin sa aking kaliwang kamay. Kumikinang sa sinag ng araw ang diamonds ng singsing. Marahan ko itong hinaplos.
"Panghahawakan kita." wala sa sarili kong sambit ay dinampian ng halik ang singsing.

BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...