Chapter 36: Empty

40 2 3
                                    

Matapos ang kanyang graduation ay ginugol muna ang isang Linggo ni Gio Paul para sa pag- aayos at pag- aasikaso ng kanyang mga kakailanganing papeles at dokumento sa pag- alis.


After a day of loaded tasks done ay manonood kami ng movie. Ang ibang araw naman ay ipinunta namin sa mga malls at parks.



"Come on, masarap 'to." Inabot ko sa kanya ang balot na hawak ko. Kitang- kita ang takot at pandidiri niya sa kawawang pagkain na hawak ko at ayaw niyang tanggapin.


"Ayoko!" mariin niyang tanggi na tinawanan ko.


"Okay ganito. I'll eat first tapos ikaw naman ha?" sabi ko sa kanya at binuksan na ang akin. Ang nakabukas na parte ay nilagyan ko ng kaunting suka bago kinain.


Nang maubos ko ito ay ngumiti ako sa kanya.



"Your turn." deklara ko. Pilit kong inilagay sa kamay niya ang balot at hindi ko hinayaang bitawan niya ito.


"Come on. Don't be silly! Ano, naduduwag kadahil lang diyan sa balot?" mataman kong tanong sa kanya habang pigil ang pagngisi.


"A-Ano?! Hindi ah! Oo na, kakainin ko na!" utal- utal niyang sabi na nagpangisi na sa akin.


"Go on." hamon ko.


Dahan- dahan niyang binasag ang ibabaw na bahagi nito. Nang tuluyan niya na itong magawa ay inabot ko sa kanya ang suka.


"Do I really have to do this?" tila bata niyang tanong. Tumango ako sa kanya habang malapad ang ngisi sa aking labi.


"Dali na! Mahahanginan na yan eh!" nagmamadali kong pilit sa kanya at hinawakan ko na ang kamay niya.


"Ito na nga! Ako na!" pagmamaktol niyang parang bata na nagpahalakhak sa akin.



Nang dumikit na ito sa kanyang labi at sinimulan niya ng kainin ay mariin siyang pumikit. Mataman ko lamang hinihintay ang kanyang reaksyon.

Nang maubos na niya ito ay dahan- dahan siyang dumilat at ngumiti.



"Now I know why a lot of people eat this." kibit- balikat niyang sabi. Hinawakan ko naman ang isang kamay niya at ngumiti. Hinila ko siya sa iba pang food carts sa paligid.



Nang sumunod na linggo ay napagpasyahang unahin ang despedida ni Gio Paul dahil ang celebration ay dadaluhan ng marami niyang mga kaibigan. Sa susunod na linggo ay idadaos naman ang aming kasal na medyo mas intimate at limitado para sa pamilya at pinakamalalapit talagang mga kaibigan.


Sa Biyernes ang kasal at sa Linggo ay lilipad na siya patungong Amerika.

Aligaga ang lahat sa paghahanda ng mga pagkain at pag- aayos ng garden sa harapan. Ako naman ay tumutulong sa pag- aayos ng mga mesa at upuang gagamitin. Nang matapos kami ay sa kusina naman ako dumiretso at tinulungan sila Tita Giana sa pagluluto.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon