"We all are achievers. I may be the one standing here in this stage and speaking in front of all of you but I am of no difference. I, too, have experienced different things in this journey of mine and so does every single one of you. Be it good or bad. Wonderful or painful." sandali akong huminto at pinagmasdan ang mga taong nakatunghay sa akin at nakikinig bago ituloy ang aking speech.
"Yet it molded and transformed all of us to reach this far and prove that we have something to show the world. May all of us appreciate and love everything that comes our way. Because I am telling you that it will all be worth it. To my co- teachers, we survived it. Thank you and good day."
Malakas na palakpak ang sumunod na narinig ng lahat kasabay ng mga sigawan ng iilan kasama na ang aking mga kaibigan.
Nangingiti akong bumaba sa entablado matapos makipagkamayan sa mga opisyal ng university.
Nang makarating ako sa aking upuan ay sinalubong ako nila Emman na sinundan naman ng dash- C na sumama rin sa yakapan.
Hindi ako nahinto sa pagtawa ngunit tinapik ko na ang mga kaibigan ko para bumitaw.
"Hindi pa tapos yung program, ano ba kayo!" natatawa kong sita nang unti- unti na silang bumitiw sa pagyakap sa akin.
"Sorry naman. Masaya lang." pabirong sabi ni Emman at bumalik na sa upuan niya pati na rin ang iba pa. Masaya kong muling itinuon ang aking pansin sa kasunod ko na nasa entablado na.
-
"Picture!" sigaw ni Angel at pumwesto kami para sa aming group picture.
Tila walang kapaguran sa pagkuha ng larawan ang halos lahat ng mga nagsipagtapos. Kahit saan ka lumingon ay may matatanawan kang kung hindi pamilya ay magbabarkada na masayang masayang nagkakaroon ng group picture.
Muli kong binalik ang pansin ko sa aking mga kaibigan.
Nanlaki ang aking mga mata ko sa saya at gulat dahil sa mga taong nasa likuran ni Emman at tila hinihintay siyang humarap. Tila napansin yata ng kumakausap kay Emman na may naghihintay sa kanya kaya nagpaalam ito.
Nakita ko ang magkahalong pagkamangha at kasiyahan sa mukha ni Emman. Lalo na ng yakapin siya ng kanyang daddy.
"Emman, tanggap ka na nila." masaya kong hayag sa kawalan.
Hinanap naman ng aking mga mata si Judy na kasama ang kanyang lola na masayang nag- uusap. Si Rica naman ay may kausap na isang lalaki. Bilang kaibigan niya ay nakaramdam ako agad na may kakaiba sa kanila. Napangiti ako sa kakaibang anyo ni Rica sa harap ng lalaking iyon.
Huling nahagip ng aking paningin si Angel na ngiting- ngiti kasama ang kanyang pamilya at may kausap sa kanyang cellphone.
Lahat kami ay matagumpay na kahit nag- uumpisa pa lang naman talaga kami sa mga buhay namin. Nasasabi ko ito dahil sa mga nakikita kong pagbabago sa mga buhay ng bawat isa sa amin. Naalala ko kung paanong ipinagpatuloy at nakayanan namin ang huling taon namin sa pag- aaral. Naalala ko kung paanong halos lahat kami ay mapagod na at sumuko. Pero hindi namin ginawa at ito ang kaligayahan ko ngayon.
Ang makita ang bawat isa sa amin na makapagtapos, suot ang mga toga at hawak ang mga diploma ay wala na akong mahihiling pa.
Masayang- masaya ako ng tumalikod ako mula sa mga kaibigan kong kasama ang mga taong kaagapay nila sa tagumpay sa mga oras na ito. Magaan ang dibdib kong naglakad patungo sa lugar dito sa university na matagal ko ng hindi nabibisita.
![](https://img.wattpad.com/cover/23847995-288-k588782.jpg)
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...