Chapter 47: Guni- guni

58 2 1
                                    

Nakalipas ang isang buwan at patuloy lamang ang pag- aasikaso ko sa mga papeles na kailangan namin. Lahat ng maaari kong hingan ng tulong dito sa bayan ay hiningan ko na. Sa Maynila rin ay nilapitan ko ang aking mga kaibigan. Noong una ay natakot pa ako na baka may galit o tampo ang mga kaibigan ko sa akin dahil sa ilang taon naming hindi pagkikita. Nagkakausap man kami ay limitadong oras rin lamang lalo pa't pahirapan ang paghagilap ng signal dito. Ngunit sa kabila ng ilang taong hindi namin pagkikita- kita ay hindi nagbago ang pagkakaibigang mayroon kami. Sila mismo ay tumulong sa pag- aasikaso sa aking mga kailangan at walang pag- aalinlangan silang tumungo rin dito sa Mindoro at nagpalipas ng ilang araw para makasama ang mga Ratagnon.


I felt so happy during those days. My friends were here. Again, for the nth time, nariyan sila sa aking tabi at hindi ako pinabayaan. Their presence gave me more strength and hope. 


Nang matapos ako sa pagsusuklay ay lumabas na rin ako sa kubo kung saan naghihintay na ang mga batang kasama ko sa pagbaba namin sa bayan. Sabado ngayon at ipinaalam ko ang weekend na ito kay Tito Paulo para makasama ang mga bata. 


Dala- dala ang mga basket na may mga handicrafts at gawang kahoy na mga instrumento ay masaya silang nakaupo sa damuhan at nakakumpol habang nagkukwentuhan. Nang mapansin na nila ako ay isa- isa silang nagsitayuan at lumapit sa akin.


Akamang aalis na kami ng marinig ko ang isang chopper ng papalapit. Sa ibang mga kubo ay nagsilabasan rin ang mga nakatatandang mga Ratagnon. Ang pansin ko naman ay itinuon ko sa langit. Tiningala ko ito at nakita nga ang papalapit na chopper patungo sa aming direksyon. Ang mga bata ay pinapasok ko na lamang muna sa aming silid- aralan at binilinang huwag lalabas hangga't wala ako o kahit sino man sa mga mas nakatatanda ang dumarating.


Nakahilera ang mga Ratagnon sa paligid ni Apo Mait na siyang nasa gitna. Lumapit naman ako sa kanya at tumabi sa kanyang gilid. Ang hanging dulot ng chopper ay hindi nagpatinag sa mga Ratagnon. Ininda ko na lamang rin ang malakas na hanging dulot nito habang kipkip ko ang aking buhok.


Nang tuluyan ng makalapag ang chopper ay nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib. Ang chopper na nakalapag ngayon sa aming harapan ay may kaunting pagkakatulad sa sinakyan nila Tita Giana ngunit hindi ko alam kung bakit tila may kakaiba akong nararamdaman. 


Bumukas ang pintuan nito at iniluwa noon si Lyle. Agad na nag- init ang aking dugo. Ilang beses ba siyang babalik dito at magpupumilit na kamkamin ang lugar?


Nang malaman kong siya pala ang bumili ng lupain ay sobra- sobrang galit ang aking naramdaman. Hindi ako nag- atubiling puntahan siya sa kanyang opisina at kumprontahin siya. Hindi ko alintana kung pag- usapan man ako ng mga taong naroroon ng mga oras na iyon. Hindi ko na rin inisip pa na inaanak siya ni Tito Paulo pati na rin na si Tito Paulo ang nagbigay sa kanya ng kanyang posisyon sa kumpanya. 


Simula noon ay hindi ko na ipinakita pa ang kabutihan ko sa kanya. Laging ang palabang ako ang ihinaharap ko sa kanya. Napadalas na nga siya dito at halos araw- araw na kung magtungo dito sa aming lugar upang kausapin ako na kumbinsihin ang mga Ratagnon na lisanin ang lugar ngunit paulit- ulit lang rin ang tanggi ko sa kanya.  Sa nakalipas na tatlong araw ay ngayon na lamang siya muling pumunta rito. 


Laking pagtataka ko ng hindi siya agad dumiretso sa amin. Nanatili lamang siya nakatayo sa tapat ng pintuan ng chopper at tila may hinihintay.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon