Nang makababa kami ni Tita Giana ay agad kaming sinalubong ni Tito Paulo. Nakangiti siya sa amin. Katulad na katulad ito ng ngiti ni Gio Paul.
"Nasa garden siya iha." sabi ni Tito Paulo bago ako ipinaloob sa yakap at binitawan rin. Inakay niya naman si Tita Giana patungo sa sala kaya napag- isa na ako.
Agad akong tumungo sa garden upang makita ang nakatalikod na si Gio Paul sa akin. Lumapit ako at marahil naramdaman niya ang presensiya ko kaya agad siyang humarap.
"So, what did mama tell you?" tanong niyang may isang malaking ngiti. Sinugod ko siya ng isang yakap. Naramdaman ko naman ang pag- angat ko at bigla na lang kaming umikot. Natatawang tinapik ko siya upang ibaba na ako.
Magkaharap kami at kinuha niya ang kaliwang kamay ko upang tignan ang aking palasinsingan.
"It fits perfectly. I guess wala na talaga akong kawala." Pabiro niya lang itong sinabi ngunit hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis.
Akmang tatanggalin ko ito ng tatawa- tawa niya akong hinapit at ikinulong sa kanyang bisig.
"Hey! I'm just kidding. Pikon naman." pagrarason niya sa inakto ko.
"It's not funny." iritable kong sabi.
"Okay. I'm sorry na. Sige ka, I won't spill kung anong sinabi papa sa akin." nanunuya niyang sabi. Alam na alam niya ang kahinaan ko. Of course, I want to know kung ano ang reaksyon ni Tito Paulo. Importante iyon sa'kin.
"Fine." pagsuko ko at agad siyang tiningala. His eyes were once again intent on me.
"Alam mo naman na kailangan kong pumunta ng States at manatili dun ng five years para sa Board tama?" Tumango ako at ang muling marinig ito sa kanya ay talagang nakakalungkot.
"Ilang weeks after Graduation ay lilipad ako patungo doon. Kaya sa bahay kita pinatira. I can't risk it. Na hindi ka safe habang wala ako. Na may maaaring mangyari sa'yo habang wala ako. So I decided to take things that way." patuloy niya pa na tinatandaan ko naman bawat salita.
"Ipinasya ni papa na bago ako umalis ay magpakasal na raw muna tayo. Civil wedding lang muna, ayos lang ba yun sa'yo? But I promise pagbalik ko ay magpapakasal tayo sa simbahan." Napasinghap ako dahil sa napakasigurado niyang tono at desisyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/23847995-288-k588782.jpg)
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...