Chapter 41: Sorry

45 2 2
                                    

Ilang buwan na ang nakalipas. Tumuntong ako sa aking ikatlong taon sa kolehiyo na tila wala lang lahat ng nangyari. Maliban doon ay bumalik ako sa aking dating mga nakasanayan. Bahay- cafeteria- eskwela. Hindi naging madali sa akin ang mga pagbabagong ginawa ko. Pero itinuloy ko.

Mas nagpursigi ako sa pag- aaral. Sa cafeteria naman ay kinukuha ko talaga bawat araw na alam kong may mga gaganaping programs at events sa university. Kapag dumarating naman ako sa apartment namin ni Emman ay binabalikan ko ang mga nangyari sa klase namin at nag- aayos at naglilinis rin.

Hindi ko hinayaang wala akong ginagawa. Pinanatili kong busy ang aking sarili sa kahit anong oras.

Ang mga naunang buwan ay sobrang hirap dahil bigla biglang sumasagi sa aking isip ang lahat- lahat na mapapatigil ako sa aking ginagawa. Mapapatulala na lamang ako dahil kusang bumabaha sa akin bawat alaala.

Masaya ngunit kaagapay nun ay ang lungkot na hindi ko pa rin maialis sa akin. Sino ba ang hindi masasaktan kung ang mga nangyari sa kanyang buhay ay yung sa akin, hindi ba?

Wala akong sinisisi. Kasi alam kong hiniling ko rin iyon. Ako mismo ang humingi noon. Naging matapang pa ako na susugal ako kahit hindi ako sigurado. Ang sabi ko pa noon, kahit panandalian lang, kahit minsan lang basta't maranasan ko naman ang maging masaya. Maranasan ko naman ang magmahal at mahalin.

And yes, it did happen. It happened yet it was temporary. Ngunit sino ba naman ako para magreklamo gayong ako mismo ay may mga binitawang salita.

"Anong balak niyo ngayong semestral break?" tanong ni Rica pagkalabas ng aming huling professor para sa araw na ito.

"Undas eh. Baka uuwi kami." rinig kong sabi ni Judy. Tumango lamang ako sa aking sarili habang tahimik na nakikinig sa kanila at inilalagay ang mga gamit sa loob ng bag.

"Ganun din ako." segunda naman ni Angel.

"Susubukan kong umuwi. Namimiss ko na sila. Kahit alam niyo na." pabiro namang sabi ni Emman para siguro pagaanin ang sitwasyong naiisip niyang mangyari.

Saktong pagkatapos ko sa aking ginagawa ay nilingon ko sila at nadatnan ang mga nagtatanong nilang mga titig sa akin.

"Oh, bakit ganyan kayo makatingin sa akin?" tanong ko dahil sa paraan ng tingin nilang ipinukol sa akin.

"Ikaw? Anong gagawin mo ngayong sembreak?" sabay- sabay nilang tanong habang matamang nakatingin sa akin at naghihintay ng aking isasagot.

"Hindi ko pa alam. Baka umuwi ako ng Mindoro o manatili na lang dito at humanap ng pagkakakitaan para sa isang buong linggo na iyon." kibit- balikat kong sagot na nagpatango sa kanila ng sunod- sunod.

"Bakit? Ano bang iniisip niyong gagawin ko ngayong semestral break?" nagtataka kong tanong dahil sa mga tinging kanilang ipinukol sa akin. Sabay- sabay na iling lang ang isinagot nila sa akin. Natatawang napailing na lang ako sa kanila.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon