Mariin kong hawak ang aking cellphone habang titig na titig lamang ako dito.
Ang marinig ang paghikbi ni Tita Giana mula sa kabilang linya kanina ay nakakapanghina na. Ngunit ang marinig ang mga tinuran niya ay hindi ko kinaya.
This time it is so painful. I can't even explain how intense this one is. Ang sakit- sakit na nasa loob lahat at hindi ko mailabas sa pisikal. This is worse than those sleepless nights. This is worse than those silent cries. This is worse than those insults and judgements from other people. This is worse than my insecurities. This is worse than my fears and doubts.
Because this time, it's the truth. This time, it's the reality.
Parang ngayon lang isinampal sa akin lahat ng katotohanan. Ang katotohanan na kailanman ay hindi kami nararapat sa isa't isa. Kailanman ay hindi nararapat magtagpo ang langit at lupa. Kailanman ay hindi pwede iyon kasi bawal. Kasi isa iyong kapangahasan. Kasi taliwas iyon sa katotohanan.
Akala ko ay pwedeng sumubok. Akala ko ay pwedeng hamakin ang malaking pagitang iyon.
Nanginginig ang kamay ko ng pindutin ang numero ni Emman. Sa unang ring ay agad niya itong sinagot.
"Elia, anong problema? Madaling araw pa lang ah." Tanong niya gamit ang inaantok pang tono.
"Emman, sunduin mo ako dito sa bahay." basag ang boses ko kahit na walang luhang lumalandas sa aking mga pisngi. Narinig ko ang paggalaw niya sa kabilang linya. Sa palagay ko ay napaupo siya mula sa pagkakahiga.
"Anong nangyari? Maliligo na ako. Hintayin mo ako." natataranta niyang sabi habang naririnig ko ang mabilis niyang paggalaw sa kabilang linya.
Tumango lang ako kahit alam kong hindi niya naman iyon nakita at ibinaba na ang tawag.
Hinawakan ko ang aking dibdib at dinama ito.
-
"Annelia." huling tawag ni Tita Giana sa akin bago ako hinayaang makaalis na. Kitang- kita sa kanyang mukha ang pagod at kalungkutan. Kitang- kita ang kabiguan sa kanyang mga mata. Tila siya nagmamakaawa sa akin nang tawagin niyang muli ang pangalan ko.
Habang papalabas ang kanilang sasakyan ay nilingon kong muli si Tita Giana na nakatakip na ang mga kamay sa mukha. Naaawa akong napayuko na lamang.
Sa buong byahe ay nakatitig ako sa labas habang paulit- ulit ang pagbanggit ng mga dasal sa aking isip. Magkasalikop ang aking mga kamay habang nakapatong sa aking mga hita.
"Elia." tawag ni Emman sa akin na nagpalingon sa akin sa kanyang direksyon. Hinawakan niya ang kamay ko at napatingin ako sa kanyang mukha.
Isang alanganing ngiti ang nasa kanyang labi. Hindi ko nagawang ibalik iyon. Bagkus ay ibinalik ko na lamang ang paningin ko sa labas. Pinapanood bawat madaraanan. Iwinawala sa aking isip ang lahat lahat ngunit hindi ko magawa.
Puno ng takot ang aking dibdib. Puno ng kaba ito. Puno ng kakaibang sakit ang puso ko.
Maraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan. Mga negatibo at halos hindi ko maipaliliwanag kung mangyayari man.
![](https://img.wattpad.com/cover/23847995-288-k588782.jpg)
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...