Chapter 58: Patas

49 2 5
                                    

Napasandal ako sa pintuan ng makalabas na siya. Nang yakapin niya ako ay gustong gusto kong ituloy ang pag- iyak. Gusto kong humagulgol at magmakaawang huwag na lang siyang tumuloy pero isang makasariling desisyon iyon kaya pinigilan ko ang sarili ko. Hindi dapat ako ganoon mag- isip lalo pa't para sa kompanya nila ang kanyang gagawin.

Nanatili akong nakasandal doon at malalim ang iniisip.

Tatlong araw lang naman siya doon. Tatlong araw lang at babalik na rin siya ulit. Tatlong araw lang at magkakasama na ulit kami. Kung ang mahigit limang taon nga ay nakaya ko ng wala siya, ito pa kayang ilang araw lang naman? At idagdag pa na maayos na kami ngayon at nagsisimula ulit ay dapat mas kayanin ko.

Halos abutin ako ng sampung minuto sa pagtayo at pagtunganga lamang kaya nagdesisyon akong mag- isip ng ibang bagay at lumakad na ako patungo sa sala at naupo sa sofa.

For three days, I'll be all alone here. I'm really gonna miss him. Siguro ay iimbitahan ko dito sila Emman o kikitain ko na lang sila sa ibang lugar. Pumayag naman si Gio Paul na makipagkita ako sa kanila o imbitahan sila para hindi daw ako masyadong malungkot. Kahit papaano ay malilibang ako kung makakasama ko ang mga kaibigan ko. Matagal- tagal na rin mula ng huli naming pag- uusap at hindi ko pa rin naipapaalam sa kanila ang tungkol sa amin ni Gio Paul. I guess it's the right time to catch up with them.

Nagdesisyon akong maglinis muna habang pinag- iisipang mabuti kung papupuntahin ko ba dito sila Emman o magkikita na lang kami sa labas. Pero nang matapos ako ay nagdesisyon akong papuntahin na lamang sila dito. Nakapaglinis na rin naman ako at mas mabuting hindi na lang ako umalis ng unit ni Gio Paul. Kinuha ko mula sa bulsa ang aking cellphone para sana tawagan si Emman ngunit agad na bumungad ang pangalan ni Gio Paul sa screen.

"Hello?" bati ko sa kanya. Hindi siya nagsalita pero rinig na rinig ko ang marahan niyang paghinga sa kabilang linya. Damn, I miss him already. Wala pang isang oras ang nakalilipas ay nangungulila na agad ako sa kanya.

"I miss you, Annelia." marahan ang pagkakasabi niya dito at hindi ko inaasahang magdudulot iyon ng kakaibang kuryente mula sa aking batok pababa. Naging mabilis rin ang tibok ng puso ko. And it's crazy how my feelings went from none to a turmoil.

"Kaaalis mo lang. Ni wala pa nga tayong isang oras na nagkakahiwalay." sabi ko upang kalmahin ang sarili. Pero alam kong hindi lang siya ang kinukumbinsi ko sa mga salitang binitawan ko.

"Really?" mahinang sabi niya sa kabilang linya.

"Bakit ka nga pala napatawag?" tanong ko trying so hard to get rid of the crazy giddy feeling starting to get intense as our conversation takes longer.

"Nothing. I just really miss you, that's it." sagot niya. At doon ko napagtantong mali pala ang desisyon kong tanungin siya. Kaya naman nanahimik ako at walang naisagot. I was literally speechless. Paghinga lang ang naisagot ko sa kanya. Akala ko nga ay ibababa niya na ang tawag ngunit ng tumikhim siya ay nasigurado kong may gusto pa siyang sabihin kaya hinintay ko siyang maunang magsalita at hindi na ako nagtanong pa.

"Hey, Annelia! I have a question by the way." alanganin niyang sabi na ipinagtaka ko itatanong ko pa lamang kung ano iyon ay naunahan niya na ako.

"Can I not go to Italy anymore? Because you know, this whole damn situation is making me crazy as fuck." frustrated niyang sabi na ikinabigla ko. Alam ko. Alam kong isang salita ko lang ay tutuloy niya ang plano niyang ito na bitawan ang importanteng bagay na iyon sa Italy.

Hindi ako magpapakasanta. Hindi rin ako magpapanggap na nagustuhgan ko ang sinabi niya. Nakakatukso at alam kong mali. Kaya hindi ako papayag. No, it shouldn't be that way. Hindi ako papayag sa gusto niya. Hindi na ulit kami gaya ng dati. Hindi na mauulit yung dati. Kasi hindi dapat ganun. You don't just give up important things because of your feelings. You don't just throw out your chances just because you know their might be another.

Hindi na rin mauulit na tila sakal kami sa isa't isa. Kapag nagmamahal dapat ay nagbibigay. kapag nagmamahal ay hindi lang puro kayo dahil hindi lang naman kayo ang nabubuhay sa mundo. Sa kahit anong desisyon ang gagawin mo, maraming tao ang maaapektuhan. The world doesn't just revolve for the two of you.

"No. Tutuloy ka sa Italy, Gio Paul." mariin kong sagot na ikinabuntong- hininga niya. Kahit nalulungkot rin ang kalooban ko na ilang araw kaming hindi magkakasama ay paninindigan ko ang desisyon ko dahil ito ang tama at makakabuti para sa lahat.

"I knew you'd say that. I just tried my luck, love." suko niya. Napangiti na lang ako. Naiintindihan niya kung bakit ganito ang desisyon ko at sigurado akong ganito rin ang gusto niya. Kung susubukan ulit kami sa paraang ito ay tatanggapin ko. At kung anuman ang maging resulta ay tatanggapin ko rin. Kahit alam kong masasaktan at masasaktan ako ay susubukan ko pa rin. Sa pagkakataong ito, ibibigay ko na ang lahat dahil kung sakali mang sa huli ay hindi umayon sa akin ito ay ubos na ako. Wala ng matitira sa'kin at siguro naman dahil doon ay mapapagod na ako at magsasawa.

Paikot- ikot lang ang naging usapan namin na umabot halos ng labinlimang minuto. Hindi niya pa nga gustong tapusin ang tawag kung hindi ko lang siya pinilit dahil narinig ko sa kanyang linya na naiayos na ni Marie ang kanyang iniutos. Siguro sa labinlimang minutong iyon ay limang minuto ang ginugol namin sa pagpapaalaman. Natatawa na lang ako na pati ang pagbaba ng tawag ay pinagtalunan pa namin. Sa huli ay ako rin ang tumapos sa tawag na iyon. Hindi tulad kanina ay magaan ang pakiramdam ko ngayon matapos ang tawag.

Tinuloy ko na rin ang pagtawag sa mga kaibigan ko. Inimbitahan ko sila dito sa unit at lahat sila ay nagulat na naririto na pala ako sa Maynila at higit pa doon ay sa bahay ako ni Gio Paul nakatira. Saglit naman akong nagpaliwanag sa bawat isa sa kanila sa pamamagitan ng tawag na iyon at sinabi na ang pakay ko sa pagtawag. Swerte na rin siguro ako dahil pare- pareho silang walang pinagkakaabalahan at walang mga pasok ngayong araw kaya napapayag ko sila.

"We're so glad you're back. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na dito ka na talaga mananatili sa Manila." pahayag ni Angel habang hawak ang dalawang kamay ko. Tumango- tango naman ang tatlo.

"Maniwala ka na sis, ano ba?!" pabirong sabi ni Emman at nakipag- apir sa akin. Tatawa- tawa naman kami nina Rica at Judy dahil sa kakulitan ng dalawa.

Right now, I felt really home. I felt that I'm finally back. Sila yung kulang. Sila yung hinahanap ko pa. It was the peace within our friendship that I was longing and now, I have it. Everything seems to be perfect and surreal na hindi ko na halos mapaniwalaan.

"Elia, sigurado ka na ba ulit dito?" biglang tanong ni Rica na nagpatahimik sa tawanan at nagpaseryoso sa lahat. Simula ng dumating sila kanina hanggang sa magkakwentuhan kami at ngayon nga'y inabot na ng gabi ay si Rica pa lang ang naglakas loob na magtanong sa'kin tungkol sa bagay na ito. Wala naman akong inilihim sa kanila. Ikinwento ko ang lahat. Kung paano nangyari ito, ngayon. Pero, kailangan nga talaga siguro ng kumpirmasyon. Yung desisyon na matibay, na matatag, na pirmi at desidido.

"Oo." sagot ko nang may ngiti sa aking labi.

Natuto na ako. Napagdaanan ko na ito. Kung masasaktan man akong ulit ay haharapin ko. I will run, again and that's for sure. Pero sa pagtakbo kong iyon ay isasabay ko ang paghilom. Dahil kung mangyari man ito, baka nga talaga hindi para sa akin ang pagmamahal na ito. Pero sa ngayon ay susuungin ko muna. Hangga't kaya pa hangga't may lakas pa, susubukan ko pa rin. Dahil mas gugustuhin ko ang mabigo ako ng isa pang ulit dahil ipinaglaban ko kaysa naman manatili akong mahina at walang binatbat sa labang ito.

Ang pag- ibig ang nagturo sa akin na kailangan mong lumaban. Mahirap pero kailangan. Masasaktan ka pero kailangan. Iiyak ka pero makakaramdam ka rin ng saya. Ito ang labang tatanungin mo ang sarili mo kung patas nga ba o hindi. Ito ang labang susukat sa kakayahan mo. Ito ang laban sa pagitan ng puso at isip mo.

Pero masasabi mo lang na totoong nakaya mo, kapag natutunan mong maging lubos na patas. Sa paggamit sa iyong puso at isip. Hindi maaaring iisa lang. Hindi maaaring ang puso lang o ang isip lang. Laging dapat silang dalawa.

At ang talagang kalaban mo lang ay ang sarili mo. Dahil sa huli ikaw pa rin ang magdedesisyon, nasa iyo pa rin naman ang huling salitang magdidikta sa resulta ng labang ito.



This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon