Mabilis na lumipas ang isang buwan at normal naman ang lahat. Usual routine sa araw- araw sa bahay, sa cafeteria at sa eskwela. Si Gio Paul naman ay ganun rin. Sa bahay, sa kompanya, sa eskwela. Ang nadagdag lang sa isipin ay ang civil wedding at kaunting mga bagay na kailangang asikasuhin.
Ang kasal ay intimate lang. Dahil wala namang maaaring um- attend na aking pamilya ay mga kaibigan ko ang napagdesisyunan kong imbitahin. Ang isiping si mommy ay maaaring hindi ikonsidera ang pagiging pamilya namin ay masakit kaya naman iniwasan kong isipin at banggitin man lamang siya.
Sa pamilya naman ni Gio Paul ay maiimbitahan lahat ng pwede. Ang ilang kamag- anak kasi nila Tita Giana ay nasa States na nakatira kaya hindi pa sigurado kung makakarating ba sila.
Gaganapin ang kasal sa garden ng mga Almendras pati na rin an maliit na salu- salo na mismong si Tita Giana ang nag- asikaso. Sabi niya'y iyon na lamang an pambawi para sa civil wedding na dapat ay engrande at sa simbahan daw dapat ganapin. Hindi ko naman makita ang punto niya dito dahil ayos lang naman sa akin ang simple at intimate. Ngunit hindi ko na lamang sinabi dahil sa sayang nakikita ko sa kanyang mukha tuwing iyon ang napag- uusapan.
Marahil ay mabilis ang lahat, mga bata pa kami at maaaring magbago ang mga desisyon at perspektibo sa buhay pero handa akong sumugal sa bagong simula na ito. Handa ako sa mga maaaring mangyari. Because if Gio Paul is all in this, I am as well. Kasi hindi maaaring isa lang ang sigurado. Hindi maaaring isa lang ang nagbibigay ng nagbibigay. Hindi maaaring isa lang ang tumatanggap. At higit sa lahat, hindi maaaring isa lang ang nagmamahal.
It should always be with two consenting minds. Dapat laging konektado sa isa't isa. Dapat parehong tumatanggap at nagbibigay. Dapat parehong nagmamahal. Because if not, it definitely won't work.
Mula sa malalim na pag- iisip ay agad akong napaigtad nang marinig ang pagbukas ng pinto. Tumambad sa akin ang tila walang pagod na si Gio Paul. Masaya ang aura niya ngayon na minsan ko lamang makita ng agad tuwing uuwi siya.
Hindi siya agad lumingon sa akin at nagdire- diretso lamang sa kusina na tila ako hangin. Agad na kumirot ang isang bahagi ng aking puso ngunit agad ko itong isinantabi. Marahil ay hindi niya lang talaga ako napansin.
Tumayo ako agad mula sa pagkakaupo at sinundan siya sa kusina. Naabutan ko siyang nakaupo sa harap ng dining table at umiinom ng tubig.
"Gio Paul, nandyan ka na pala. Maghahanda lang ako para makakain na tayo." Pagkukunwari ko na kakakita ko lamang sa kanya. Akmang ilalapag ko na sa mesa ang mga platong hawak ko ng pigilan niya ako.
"I already had dinner with Alice. Nagkasalubong kami sa isang restaurant noong kliyente ng kompanya. We had some chitchat at hindi na namalayan ang oras." sabi niya na tila masayang- masaya sa nangyari sa kanya ngayong araw.
"Ah, ganun ba?" tanging sagot ko sa kanya at agad ng ibinalik sa lalagyan ang mga hawak ko.
"Didn't you receive my text?" inosenteng tanong nito.
"Hin- Ay oo nga pala. Sorry, nawala sa isip ko. Sige, mauuna na ako sa taas." At nagmamadali akong umakyat ngunit hindi ako sa kanyang kwarto nagtuloy ngunit sa kalapit nitong guestroom.

BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...