Chapter 60: Stop

57 1 5
                                    

Mabilis at madali ko lamang naiayos ang mga gamit ko lalo pa at kaunti lang naman ito. Hindi ko isinama ang mga damit, sapatos at iba pang gamit na si Gio Paul ang bumili at nagbigay. Para saan pa, hindi ba? Iniayos ko rin ang kama, mga cabinet, tukador at side table. Nilinis ko ang kwarto. Ni isang bakas na nagamit ito ay wala akong iniwan. Lahat ng mga bagay na magpapaalala kay Gio Paul na minsan na naman akong tumuloy sa buhay niya ay inalis ko. 

Dala ang aking bag at ang bedsheets at kumot ay lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa salas kung saan prenteng nakaupo si Alice at naghihintay. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan lamang upang dumiretso sa telepono. Inilapag ko sa coffee table ang bitbit kong bedsheets, pillow cases at kumot bago ko idinial ang numero para sa housekeeping. Isang magiliw na pagbati ang sumalubong sa akin mula sa kabilang linya ngunit hindi ko ito kayang tugunan. 

"I am calling for Mr. Gio Paul Almendras. I need her cleaner right away. Thank you." malamig at walang emosyon kong sabi. Tila nagulat naman ang babae sa kabilang linya ngunit agad ding sinunod ang hiling ko. Saglit lang nagtagal ang tawag at ibinaba ko  na rin agad.

Hinarap ko na si Alice upang humingi pa ng ilang sandali at hihintayin ko lamang ang cleaner na ipinatawag ko. 

"Okay lang ba na maghintay pa tayo saglit? Pinatawag ko lang yung cleaner. Ayoko namang umalis ng may bakas pa ako ditong iiwan." sabi ko  habang kinukuha ang mga tasang pinag- inuman namin. Parang nagulat siya sa lamig ng pagkakasabi ko ngunit wala na akong pakialam pa. Dumiretso ako sa kusina para hugasan ang mga ginamit namin. 

Habang naghuhugas ay isa- isang bumabalik ang mga nangyari. Bago ako bumalik dito sa Maynila. Ang kasunduan namin. Ang pagtatrabaho sa kompanya. Ang mga taong nakasanayan ko ng kasama. Ang mga bagay na nakasanayan ko ng gawin. Ang mga taong iniwan ko. Ang lugar na itinuring ko ng tahanan. Ang nag- iisang lalaking minahal, mahal at maaaring mahalin ko.

Isa- isang tumatakbo sa isip ko ang lahat tungkol sa kanya. Ang muli naming pagkikita. Tandang- tanda ko bawat emosyong siya lang ang nakapagpadama sa akin. Ang bawat salitang kanyang binitawan. Ang bawat galaw niya. I remember him in all places. I remember him in all corners of this place. I remember how he was able to dominate the place that I considered my home. Ang tila pagbalik lang sa isip ko sa Mindoro ay siya rin ang naaalala ko. 

I felt that heavy pang inside my chest but no tears would want to come out of my eyes and because of that I was back to reality, back to my senses once again.

Nagulat ako ng makitang patuloy pa rin sa pag- agos ang tubig kahit na tapos na pala ako sa aking ginagawa. Pinatay ko agad ito. Saktong tumunog ang doorbell at sigurado akong ang cleaner na iyon ni Gio Paul. Mabilis akong nagpunas ng kamay at tinungo ang pintuan. Pinagbuksan ko siya at pinapasok. Ibinilin ko sa kanya lahat ng dapat at kailangan niya pang gawin. 

Kinuha ko mula sa coffee table ang mga bedsheets na inalis ko mula sa aking naging kwarto.

"Malinis na po ang dalawang kwarto. Yung kusina, common bathroom at itong sala na lang po ang kailangang linisin." sabi ko ng maiabot sa kanya ang mga hawak ko. Tumango tango siya.

"Eh ma'am, parang nakakapanibago naman po kasi ngayon lang po kayo nagpatawag ng cleaner ulit." usisa niya sa akin. Nginitian ko lang siya. Isang ngiting alam kong hindi umabot sa aking mga mata.

"Parang hindi kasi ako kuntento sa linis ko. Yung kusina o banyo na lang muna ang unahin mo. Maya- maya lang rin naman aalis na kami ng kasama ko kaya pwede mo na rin isunod itong salas. Salamat."  Ngumiti siya bago tumango at dumiretso na sa may kusina. Nagpapasalamat ako at naunawaan niya ang gusto kong mangyari.

Kung hindi ko nasabi sa tagalinis na may kasama ako ay tuluyan ko na nga sana talagang nakalimutan ang presensya ni Alice. I was too preoccupied of the flashbacks awhile ago. But still despite the flashbacks and after that moment when I felt a pang in my chest, wala na naman akong naramdaman. 

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon