Isinawalang- bahala ko ang lahat ng sinabi niya. Natatakot ako. Pero nag- aasam rin ako. Magulo. Sobrang gulo. Hindi ko na alam kung ano ba lahat ng ito?
Naglalaro lamang ba kami? Naglolokohan? Hindi ko na alam. Dahil sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay mas lalo akong nalulunod. Mas lalo akong nawawala sa aking sarili
Masyadong nakahuhumaling ng mga ito. Masyadong masaya sa pakiramdam pero masyado ring masakit.
Nakakatakot dahil kung ganito kasarap ang pakiramdam ng nagmamahal ay marahil may kapalit ito.
Wala ako sa aking sarili ng bumalik kami sa sari- sarili namin kwarto. Sabi ni Gio Paul ay mas mabuti kung magpapahinga muna kami dahil mamayang hapon ay aakyat daw kami sa bundok pero dadaan muna sa dagat para makapagliwaliw sandali.
Dumiretso ako sa kama at Ilang sandali pa ay dinalaw na lamang ako ng antok.
--
Nagising ako ng makaramdam ng marahang paghaplos sa aking buhok. Unti- unti ay nagmulat ako ng mata at tumambad sa'kin ang tila malalim ang iniisip na si Gio Paul ngunit nanatili ang paghaplos niya sa aking buhok.
Nakaupo siya sa kabilang parte ng kama na hindi ko naman nasakop. Nakasandal siya sa headboard at tahimik lamang.
Biglang dumako ang tingin niya sa'kin at nagkatitigan kami.
"Inaantok ka pa ba? Do you still want to sleep?" marahang tanong niy sa akin.
"Hindi na. Anong oras na ba?" tanong ko na lamang.
"3:30 na." sagot niya.
Dahan- dahan akong umupo at nagkatabi na kami.
"Tara na sa dagat, di ba sabi mo ngayong hapon?" yaya ko.
Tumango siya.
"Ihahanda ko lang yung pampalit ko para dun na lang ako sa isa sa mga cottages magpapalit." sabi ko at tumayo na.
Nakita ko na lamang ang isang backpack na nakahanda na sa tabi ng pintuan. Napatingin ako sa kanya na nakatayo na rin gaya ko.
Lumapit siya sa'kin at nahlahad ng kamay. Tinanggap ko iyon at magkahawak kamay kaming lumabas ng aking nagsilbing kwarto.
Sa kanang balikat niya nakasukbit ang backpack habang ang kaliwang kamay niya naman ay mahigpit ang hawak sa akin.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa may dagat. Sa isang pinakamalapit na cottage niya iniwan ang dala namin.
Nakasuot siya ng white sleeveless shirt at board shorts na blue ang kulay. Ako naman ay naka- floral off shoulder na umabot hanggang tiyan at isang maong shorts na hindi naman umabot sa gitna ng aking hita. Suot ko rin sa loob nito ang peach two piece na siya mismo ang pumili.
Tila wala na akong pakialam kung ano ang suot ko kapag siya ang kasama ko. Tila dapat ay lagi akong magmukhang maganda sa paningin niya. Kaya naman wala na akong pakialam kung ano ba ang istilo ng mga ito.
Nilaro ko ang tubig na tumatama sa aking paa na dala ng alon. The beach is so calming that I almost forgot all my insecurities and fears.
Ngunit sunod- sunod ang muling pagbalik nito ng maramdaman ko ang init ng bisig niya na pumulupot sa aking bewang. It flooded into me all of a sudden.
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...
