Chapter 9: Pageant

69 3 1
                                        

Tumatak sa akin ang huling mga salita na binitawan niya. Hindi ko alam kung para sa'kin ba lahat ng iyon. Hindi ko alam kung direkta niya bang ipinahayag iyon para sa isang kakaibang kahulugang ako lang ang dapat makaalam at magmay- ari.

Sa nagdaang gabi ay hindi nawala sa'kin ang palaisipang iyon. Binulabog ng mga magugulong katanungan at konklusyon ang isip ko. Nakatulugan ko na lang din ang pag-iisip sa mga komplikadong bagay na iyon.

Panandalian namang nawala iyon sa sistema ko dahil sa maaga akong pumasok sa cafeteria. Wala namang importanteng event pero puno ito n maaga. Bawat sulok ng cafeteria ay may nakaupo, kumakain at nagkukwentuhan.

Halos hindi na kami magkandaugaga dahil sa rami at sunod- sunod na pagdating ng mga estudyante. Ngunit ang kakaiba sa araw na ito ay wala pang nangugulo sa araw ko.

Buti naman. Napahinga rin ako sa kakulitan ng mga walang hiyang mga lalaking yon na inaraw- araw dati ang pambubwisit sa'kin.

Nang maghapon at natapos ang shift ko sa cafeteria. Pumunta muna ako ng CR at nagpalit ng damit para sa pagpasok ko sa klase. Naglagay ako ng kaunting pulbo sa mukha at nagspray ng pabango kong mumurahin lang. Gustong- gusto ko kasi ang amoy nito dahil hindi masakit sa ilong at hindi matamis. Nang matapos ako ay agad rin akong nagpaalam sa mga kasamahan ko sa cafeteria.

Halos nawawala na rin ang liwanag sa langit. Pang-hapon kasi ako hanggang gabi. Usual para sa mga underdogs at irregular. Kami kasi yun mga gipit at madalas late na late kung magbayad n tuition.

Nang makarating ako sa room ay halos lahat ng mga blockmates ko at nakakumpol at tila may seryosong pinag- uusapan. Dumiretso ako sa kumpol na nagawa nila. Agad namang napalingon sakin ang isa sa kanila.



"Ayan na pala si Elia eh!" anunsiyo niya.



Isang nagtatakang tingin ang ibinigay ko sa kanila ng sabay sabay silang mapatingin sa'kin.



"Finally! Girl, kanina ka pa namin hinihintay!" tili ni Emman.



Isa siya sa mga kaibigan ko. Oo, tagilid siya. Tinalo niya pa ata ako dahil mas babae pa siya kung kumilos at magsalita kaysa sa'kin. Pero ang nakakatuwa sa kanya at hindi siya nagsusuot ng damit pambabae. Para sa kanya kasi ay hindi na kailangan iyon. Bakla siya pero di niya ginustong ipagpilitan ang mga bagay na di para sa kanya.



"Salamat naman at dumating ka na Elia."

"Kailangan na nating paghandaan kasi next week na pala iyon."

"Kasi naman, first time ata na merong representative ang mga Dash-C."



Yan at iba iba pang side comments ang narinig ko. Gulong- gulo ako sa takbo ng usapan nila. Sabay- sabay kasi sila at grupo grupo pa.



"Teka nga! Anggulo-gulo niyong lahat. Ano ba ang sasabihin niyo at halos hindi kayo magkandaugaga at parang kinikiliti 'yang mga singit niyo ha?" tanong ko ng unti- unti kong maramdaman ang sakit ng ulo ko.



Lahat sila ay natigilan at nagsi- upo na sa kanya kanya nilang mga upuan. Buti naman. Medyo napalakas ata ang pagkakasabi ko at nabigla sila. Hindi kasi sila sanay na napapasigaw ako. Hindi naman kasi ako madaldal at talakera tulad ng mga kaibigan ko lalo na si Emman.

Speaking of Emman, pumunta siya sa harap at siya na yata ang magpapaliwanag at magaayos ng lahat para na rin maliwanagan ako sa mga nangyayari.



"Elia, ganito kasi 'yon. Di ba nga may pageant na mangyayari next week na para sa Ms. SJU?" simula niya.



Tumango ako para magpatuloy siya. Tahimik pa rin ang lahat.



"Napagbotohan kasi ng lahat kanina habang wala ka pa na ikaw ang representative natin. Tutal, bongga naman 'yang ganda mo at kailangan nating lumaban para di na tayo inaapi ng mga mahadera at echoserang mga Dash na mas mataas kesa sa'tin."



Tumango tango ako bilang pagsang- ayon. Tama nga naman ang point nila. Lagi na lang kasi kaming nilalait ng mga mayayamang yun. Akala mo kung sino.

Ngunit ilang sandali pa ng balikan ko ang paliwanag ni Emman at tignan ang lahat ng mga blockmates ko na nakangiti at nakatingin sa'kin at napagtanto kong may mali sa mga nangyayari.



"Ako?! Ako yung representative?! Emman naman. Alam mo namang wala akong alam sa ganyan. Tsaka wala akong pera para sa mga kung anong mga gagamitin. Tsaka ano namang laban ko sa mga yun? Ang gaganda kaya nila." paliwanag ko na sobrang nanlulumo at frustrated dahil sa mga nalaman.



Kasunod nun ay narinig ko ang sunod- sunod na bunting hininga at pagbagsak ng balikat ng mga kasama ko. Mas lalo akong nanlumo dahil sa reaksyon nila.



"Wag ka ngang nega dyan, Elia! Echosera 'to." sabi ni Judy.



Isa rin siya sa mga pinakamalapit sa'kin. Kami kami ang maging magkakasama. Ako, si Emman, siya, Rica at Angel. Fab Five pa nga ang bansag sa'min ng mga blockmates namin dahil sa kakaiba kami.

Nagsimula ang lahat sa isang magulong gyera dahil sa thesis namin. Pero ngayon ay halos ayaw naming maghiwalay.



"Matatalo lang tayo." suko ko.

Sinegundahan naman ito ng mga nanlulumong komento ng iba naming blockmates.

"Ay. Akala ko pa naman tayo na mag-aangat sa tingin nila sa mga katulad nating underdogs."

"Sayang naman. First time pa naman ito na may kasamang taga-dashC."

"Ano na lang ang sasabihin natin kay Ma'am Cath? Na-iregister pa naman na natin si Elia. Nakakahiya naman kung magbaback- out tayo."



Nilapitan naman ako agad nila Emman.



"Girl, ano ka ba?! Tignan mo yung mga mukha nila? Hoping pa naman 'yang mga 'yan." pangongonseniya ni Emman.

"Oo nga girl. Excited sila at todo sa suggestions kanina. Handa silang sumuporta at tumulong kaya wala tayong dapat ipag-alala." dagdag naman ni Judy.

"Tsaka nakakahiya naman kay Ma'amCath." tuloy pa ni Rica.

"Okay lang ba sa'yo na waley na naman tayo? Aping-api na naman tayo niyan, Elia." pagtapos ni Angel.



Isang malakas na buntong hininga ang ginawa ko.





"Ano ba naman kasing panama ko dun sa mga makakalaban ko? Talong-talo." pahayag ko.

"Ay loka 'to. Ini-stress mo ang ganda ko. Anong talo?! Sa ganda mo pa lang talbog na sila noh! Ang echos mogirl!" pagalit sakin ni Emman.

"Oh sige. Sabihin na nating may laban ako sa kanila, so saan tayo kukuha at maghahagilap ng mga gagamitin ko?" tanong ko na ikinabigla nila.

"So payag ka na?!" sabay sabay na tanong sa'kin ng apat at talagang pasigaw pa.

"Oo na! Basta tulungan niyo ako. Wala akong alam sa ganito." nahihiya kong sagot.



Nagsisigaw si Emman na akala mo ay nanalo sa lotto. At nang sabihin niya na sa iba na payag ako ay nakiramay sila sa kasiyahan ng apat kong matatalik na mga kaibigan.

Tatawa- tawa na lang ako sa reaksyon nilang lahat. Akala mo may piyestang biglaang nangyari.



"Oh basta guys, tulong- tulong tayo dito ah! Kailangan manalo 'tong napakaganda nating pambato! Ayos ba?" anunsyo ni Rica.



Malakas at sabay sabay na Oo ang narinig ko. Lahat sila ay nagchi- cheer pa.

Lumapit naman ang apat sa'kin at niyakap nila ako.



"Kaming bahala sa'yo." sabi ni Emman at kumindat pa.



Tatawa tawa na lang ako sa kanya at hindi pa rin makapaniwala na sasabak ako sa isang gyera para sa mga blockmates ko, sa Dash C, sa mga underdogs.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon