Walang pagsidlan ang aking saya dahil maayos ang takbo ng relasyon namin ni Gio Paul. At laking pasasalamat ko na sa limang buwan na namin ay patuloy pa rin kami kung paano kami nagsimula.
Sabado ngayon at sinabi niyang may pupuntahan kaming isang importanteng lugar. Narinig ko ang busina ng isang sasakyan sa labas na alam kong siya.
Sunod- sunod na kantsaw ang narinig ko mula sa mga kadorm ko. Nasanay na sila na ganito lagi at nawala na rin kahit papaano ang nararamdaman kong hiya sa tuwing napag- uusapan ang relasyon namin ni Gio Paul.
Nang buksan ko ang gate ay nakita ko siyang nakasandal sa kanyang kotse dala ang isang pumpon ng lilies. Magulo ang kanyang buhok na mas nakadagdag lang sa kagwapuhan niya. Suot niya ang gray t-shirt na gaya ng sa'kin. Binili namin iyon noong fourth month namin ng magyaya siyang pumunta kami sa mall.
Mi Unico Amor
Yan ang mga salitang nakasulat sa aming t-shirt. Gaya ko ay naka- jeans rin siya na bahagya ring nakatupi sa laylayan. At pinaresan namin ito ng black sneakers na sabay rin naming binili sa parehong okasyon.
Couple stuffs.
Hindi ko nga inasahan na gusto niya pala ang ganung mga bagay. Mga bagay na parehas kami. Mga bagay na gusto niyang konektado kami sa isa't isa.
Wala na akong pakialam kung anong sasabihin niya at magiging reaksyon sa payakap kong salubong sa kanya.
God, I missed him. Halos isang linggo kaming hindi nagkaroon ng pagkakataong magkasama ng matagal dahil sa nakalipas na mid- terms. Kaya sabik na sabik ako para sa araw na ito.
Mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Pumikit ako at isinandal ang aking ulo sa kanyang dibdib. I missed his smell. Yung amoy niya na bagong paligo na nahaluan ng kanyang panlalaking- panlalaki na pabango. At ang magkahalong pawis niya at pabango. I missed him so damn much.
Naramdaman ko ang kanya ring pagyakap pabalik at narinig ko ang kanyang pagtawa.
"My Annelia is craving for me so much." nang- aasar at malambing niyang sabi habang tumatawa. Ngunit hinayaan ko na lamang siya.
"I missed you." seryoso kong sabi at tumingala sa kanya para matitigan siyang mabuti sa mukha.
"I missed you too." seryoso niya ring sabi at hinalikan ako sa noo.
Habang nasa biyahe ay hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kanya. Yung mahahaba niyang pilikmata na kinaiinggitan ko. Yung matangos niyang ilong. Yung mapupula niyang labi.
"Hey! You're distracting me baka mabunggo tayo. Stop staring." natatawa niyang sabi.
Pinamulahan ako ng pisngi at itinuon na lamang ang aking pansin sa mga nadadaanan namin sa labas. Inaliw ko ang aking sarili sa pagtingin sa mga kotseng nakakasabay namin, sa mga taong naglalakad kung saan man dapat sila tumungo at sa mga matatayog na building.
Pumasok kami sa isang village na pulos magagara at malalaking bahay ang nakatayo. Bawat isa ay nakikita kong may mga garden. Nagtataasan din ang mga gate nito.
Sa tapat ng isang kulay itim na gate kami huminto panandalian at nang awtomatiko itong bumukas ay tumuloy lamang si Gio Paul habang ako ay puno ng katanungan.
Ipinarada niya ang sasakyan sa isang malawak na garahe. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.
"Anong ginagawa natin dito? Kaninong bahay ito?" mga katanungan ko ng makapunta na kami sa tapat ng double doors ng bahay.

BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...