Matapos ang ilang minutong pagsasayaw namin ni Gio Paul ay nagkaroon ng picture taking. Bawat contestant kasama ang mga judges. At ako naman kasama ang mga ibang nanalo, mga kapwa ko contestant, ang mga judges, ang Student Council, ang school administrators, ang dash- C at si Gio Paul.
Inabot iyon ng mahigit sa thirty minutes dahil sa kulitang ginawa ng dash- C. Kitang- kita sa kanila ang kasiyahan dahil sa pagkakapanalo ko. Wala rin namang pagsidlan ang sayang mayroon ako.
The underdogs have risen, I can finally say.
Nang makabalik ako sa backstage ay bawat isa ang bumati at nakipagkamay.
The good thing about these girls ay yung pagiging sport nila. Oo, marahil nung una ay halos wala akong laban but even they have witnessed how I wanted to be on their level.
Matapos ang batian at iilan pang picture-an ay sinalubong na naman ako ng aking mga kaibigan. Tuwang- tuwang nagtatatalon kami habang nakapaloob sa isang group hug.
Nagbitaw- bitaw lang kami ng biglang nagpanic si Angel.
"Wait lang guys! We forgot something!" nagpapanic niya ulit na sabi.
Agad na natauhan ang tatlo pa habang ako naman ay nagtataka sa mga ikinikilos nila.
"Nako. Elia! Tara na dito sa dressing room at magpalit ka na." hila naman sa'kin ni Judy.
Pinagtulakan naman ako nila Rica at Emman sa loob. Kinuha na rin nila ang bitbit kong bulaklak at sash. Tinanggal naman ni Judy ang koronang suot ko at inabot sa'kin ang isang off- shoulder floral dress na umabot sa ibabaw na aking tuhod.
Takang nagpalit ako at nang matapos ay lumabas na. Pinasuot naman sa'kin ni Rica yung gladiator na suot ko sa casual wear.
Tinignan nila mula ulo hanggang paa at nagtanguan sila.
Hindi na yata sila naubusan ng energy dahil hinila pa nila ako para makaupo. Tinali ni Emman ang buhok ko. Isang simpleng ponytail na ang taling ginamit ay may rose din na disenyong 3D. Si Judy naman ay tinanggal ang makapal kong make- up at pinalitan ng light na foundation at light colored din na lip gloss.
"Tadaa!" sabay- sabay nilang sabi ng makita ang result ng gawa nila.
"Ano bang meron? Uuwi na lang tayo, may ganito pang arte? May dala naman akong jogging pants, tshirt at sneakers dyan eh. Yun na lang." reklamo ko.
Sabay- sabay silang umiling na akala mo slow motion. Ngunit ipinagtaka ko ay ang pagngisi nila ng bigla na akala mo nakakita nf kung anong milagro.
Napatingin ako sa likuran ko na siyang pinagtuunan nila ng pansin at nakita ko si Gio Paul na ngayo'y wala na ang necktie at nakatanggal ang dalawang butones ng kanyang long sleeves polo.
Maging ako ay napatitig na rin gaya ng mga kaibigan ko.
Nang ilang dipa na lang ang mayo namin sa isa't isa ay naramdaman ko na lang ang pagtulak sa'kin ng mga kaibigan ko. Sa sobrang gulat ay hindi ko nakayang ibalanse pa ang sarili ko.
Ilang sandali kong hininta ang paglapat ng aking katawan sa sahig ngunit isang mainit na bisig ang naramdaman kong yumayakap sa'kin kasabay ng isang hindi sinasadyang paglapat ng labi ko sa taon ito. Marahan akong napadilat at napatingin sa kinabagsakan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/23847995-288-k588782.jpg)
BINABASA MO ANG
This Love
Любовные романыThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...