Lumabas ako ng kwarto suot ang isang beach dress.
Pinasadahan niya ako ng tingin.
"Thought so. Tara na. Gutom na talaga ako." pahayag niya.
Muli kong tinignan ang suot ko at nakumpirma ang sinasabi niya. Saktong sakto kasi sa'kin ang sukat ng dress na suot ko. Akala mo ay sinukat ko muna bago bilhin sa kung saang store man ito galing. Isama mo pa ang flipflops na suot ko na terno sa kulay ng dress ko na dilaw.
Sumunod ako sa kanya papunta sa kusina. Tahimik lang kami sa hallways na nadaanan. Parang gutom na nga talaga siya dahil hindi na siya ganung nagsasalita o kung anuman. Pagod rin siguro siya dahil sa ilang oras na pagmamaneho mula Maynila hanggang Batangas.
Nang makarating kami ay sinabihan niya ang isang tao ng villa na sa may cottage na pinakamalapit sa beach kami kakain. Kami naman ay tumuloy na sa cottage na inaasahan ko.
Same old cottage. Nothing's change.
Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan nito. Kung ikukumpara sa ibang mga cottages nila ay tila hindi ito pinapaokupahan sa mga nakalipas na taon. Ngunit makikitang inaalagaan ito.
Isa pang kaibahan ay kung sisilipin ang ibang mga cottage ay medyo modernized na ang mga iyon. May iilan ng gumagamit ng mga laptop dahil sa wifi na idinagdag nila sa amenities ng resort. May mga karaoke ding improved na ang technology.
Ngunit nag- iisa ang cottage na ito na walang nabago. Nanatili ang mga glow in the dark na nakadikit sa kisame nito. Pati na rin ang mga palamuting gustong- gusto kong pinagtutuonan ng pansin. Mga litratong may quotes. Yung mga nabibili sa Papemelroti.
Dahil sa dami ng mga bagay na tila ibinabato sa'kin ng tadhana ay hinayaan ko na lang. Nasanay na rin ako sa mga pangyayaring marahil ay nararapat talagang mangyari.
Isang ngiti at buntong hininga ang hinayaan kong kumawala sa akin.
Dumiretso kami sa isang mesang napapaligiran ng petals ng iba't ibang uri ng bulaklak. Ipinaghila niya ako ng upuan. At nang makaupo na ako ay siya naman ay umupo na katapat ko.
"Marami akong inorder kaya kumain ka ng marami, okay? Feeling ko kasi sobrang payat mo na eh." hirit niya.
"Oo na." sagot ko na lang.
Hindi ko kasi ramdam ang atmosphere ngayon. Siguro kasi parang masyadong sweet ang surroundings. Para tuloy akong isang teenager na bitter sa ex niya.
Winaglit ko na lang muna sa isip ko ang nangyayari at ginagawa sakin ng tadhana.
Para kasing deja vu ang lahat ngayon.
Isang buntong hininga ang muling pinakawalan ko.
"Hey! Something bothering you?" Tanong niya.
Kasabay nun ay ang paglapat ng kamay niya sa kamay kong nakapatong sa mesa.
Saglit akong napatitig doon bago sinalubong ang titig niya. Ang mga mata niya ay puno ng mga emosyong hindi ko mapangalanan. Hindi ko gustong bigyang daan ang mga posibilidad na baka sumira lang sa'kin ngayon.
"Wala." tipid kong sagot.
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga inorder namin. I mean, niya. Totoo ngang madami ang inorder niya. Halos mapuno nito ang mesa.
Isa- isa ko itong tinignan at napagtantong, ito ang mga paborito kong pagkain pati na rin ang kanya.
Sinigang, Caldereta, Bopis, Afritada. Yan ang mga nakahaing ulam ngayon. Polvoron, Pastillas at Chocolate muffin naman ang mga panghimagas. Mga paborito ko. Ang pinaglagyan ng kanin ay halos puno. Ang inumin naman namin ay buko juice.
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...