Unti- unti ay nagmulat ako ng aking mga mata. Ang pamilyar na kawayan ng bahay nila Gelay ang sumalubong sa aking paningin. Ngunit ang pamilyaridad ay agad ding nawala ng madaanan ng aking mga mata ang lalaking nakaupo sa upuang kahoy hindi kalayuan sa papag na aking hinihigaan. Muli ay lumakas ang tahip ng aking dibdib at nagsimula na namang magwala ang mga maliit na insekto sa aking tiyan.
Inalala ko ang nangyari at ang pagkakawala ko lamang ng malay ang natatandaan kong huling nangyari. Dahan- dahan akong bumangon at inayos ang aking sarili. Ang bigat ng kanyang titig sa akin ay nagdulot ng kaba sa aking sistema ngunit minabuti kong isantabi na lamang iyon. Lumapit ako sa kung nasaan siya at inokupa ang upuang kaharap ng kanya.
"How are you feeling?" tanong nito sa buong boses
"Okay na ako. Pasensya sa nangyari." sagot ko na tila wala lang lahat ng kaguluhang nangyayari sa buong sistema ko.
Tumango siya at tumayo mula sa kanyang pagkakaupo. Naglakad siya patungo sa maliit na bintanang nagbibigay ng liwanag sa kwarto. Nanatili siya doon habang nakatunghay sa malawak na kabundukan at kagubatan sa labas. Nanatili naman akong nakaupo na lamang dahil sa kawalan ng sasabihin. Binalot lamang kami ng isang nakabibinging katahimikan hanggang sa tuluyan niya na itong basagin at muli akong harapin.
"How are you? It's been a long time isn't it?" bungad nito na puno ng kalamigan ang boses. Ngunit hindi ko naintindihan kung saan niya iyon kinuha. Dahil sa kabila ng lahat ng nangyari. Sa kabila ng ilang taon. May gana pa siyang kamustahin ako at tila parang wala lamang nangyari sa pagitan naming dalawa. Kusang umusbong ang magkahalong sakit at galit sa aking puso ngunit hindi ko iyon ipapakita sa kanya. Hindi ko ipapakitang naapektuhan niya ako.
"Well, I've found my home. And yes, indeed it has been a long time. Ikaw, kamusta na?" nakangiti kong sagot at pangangamusta rin sa kanya kahit alam kong iba ang tunay kong nararamdaman sa aking kalooban.
I noticed him clenching his jaw. My eyes then went to his face, specifically his eyes. There were flashes of different emotions that I couldn't name. And I guess he, himself too couldn't do so. Nakakunot ang kanyang noo at tila hindi malaman kung ano ang nararapat gawin. Ngunit sa isang iglap ay napalitan iyon ng isang walang emosyong mukha.
"This place is breathtaking. How did you get here? Ang akala ko ay sa Manila ka magtuturo ng mga bata." pag- iiba nito sa usapan na sinabayan ko na lamang.
"I felt that this is my calling. Na dito ako nararapat. Na may mga taong mas nangangailangan sa akin sa lugar na ito. And I figured out, I was actually the one who needed them. I was meant to be in this place, Gio Paul. I belong here." Tila ako nagbabalik sa nakaraan ng sabihin ko ang mga bagay na iyon sa kanya. And I would never ever get tired of looking back at that past of mine.
"Good to hear that then." wala sa sariling sagot niya at tumikhim matapos ang ilang saglit.
"I've heard from dad and Lyle that you're working for the company's foundation. Is that true?" propesyunal niyang tanong iba sa tonong kanyang ginamit kanina. Ngunit isang bagay rin ang nagising sa aking sistema nang tanungin niya ang bagay na ito.
"It's true." sagot ko naman.
"Hmm. I see. By the way, I want to apologize about my impulse decision on the natives' works. I just thought of helping even more." I didn't understand why I suddenly heard a sound of mocking and sarcasm from his voice. Nagpataas ito ng kilay ko at napahalukipkip ako.
"Ayos lang. It was fixed already by the way. I just hope it won't happen again without my consent as representative of these people." nagtitimpi kong sabi. I felt the urge to shout at him my rants and complaints but then I realized that it won't help anyway. At higit sa lahat, nagawan naman na ito ng paraan ni Tito Paulo kaya sasayangin ko lang ako oras ko sa pag- uulit na naman ng mga hinaing ko na narinig na ni Lyle at paniguradong umabot na sa kanya.
"Hindi na ako magpapaligoy pa. Kilala mo na ako pero let me do this one anyway. For formality and business purposes. I am Gio Paul Almendras, the new chairman of Almendras Group of Companies and I am the person who bought this land from the government. Nasabi sa akin ni Lyle na ikaw nga raw ang dapat kong kausapin tungkol sa bagay na ito kaya I decided to personally go here and talk to you."
Tila nabingi ako sa mga katotohanang sa kanyang labi mismo nanggaling. I was half expecting this to come in front of me but I still hoped that my conclusions weren't true. Ngunit narito na sa harapan ko ang lahat ng katotohanan. Hindi makapaniwalang napailing na lamang ako at napatayo mula sa aking pagkakaupo.
"You just said that Lyle told you everything about this issue right? Hindi ko maintindihan kung ano pa ang ipinunta mo rito? Hindi ba naipaliwanag sa'yo ng matalik mong kaibigan lahat ng sinabi ko sa kanya pati na rin ang desisyon ko at ng mga katutubo hinggil dito?" iritable kong tanong habang unti- unti ng umuusbong ang labis na inis sa aking kalooban.
"As I've said, personally talk to you. To settle this as fast as possible that it can be dahil nadedelay ang pag- uumpisa sa project ng kumpanya. We're losing our investors as well as the money, Miss." tugon nito sa isang ma-awtoridad na tinig ngunit mas lalo lamang nitong ipinalabas ang galit na kinikimkim ko.
"Hindi mababago ang desisyon ko tungkol dito. It's a no. Pwede na kayong umalis at humanap ng ibang lugar na pagtatayuan ng proyektong sinasabi mo." matapang kong sagot sa kanya.
"Don't you understand? Ang lugar na ito ang lokasyon ng pagtatayuan ng naturang hotel at resort. Hindi pwedeng basta- basta na lamang naming ipagpapaliban at iuurong ang lahat dahil lang sa inyo. Dapat ay alam mo yan!" pagtataas niya ng boses at humakbang ng isang beses palapit sa kin.
"Hindi mo rin ba naiintindihan? Ang lugar na ito na lamang ang mayroon ang mga taong 'yan! Wala ka man lamang bang konsiderasyon sa damdamin nila! They've spent their whole lives preserving this land at ngayon ay dadating kayo upang kamkamin ito?! You are deeply insane, Mr. Almendras!" sigaw ko sa kanya pabalik dahil hindi ko na napigil pa ang pag- alpas ng damdamin.
Napatingala siya sa inis at napasabunot sa kanyang buhok ngunit tinitigan ko lamang siya at nanatili ako sa aking kinatatayuan. My decision is firm. Walang makakabago pa nito. Not even him.
"Kung lagi kong uunahin ang pag- iisip tungkol sa mararamdaman ng iba ay hindi ba't ako rin ang mapeperwisyo? Anyway, I heard that you've been gathering all the help that you can. I'm telling you kahit anong gawin mo ay hindi kayo mananalo dito." Ang nauna niyang sinabi ay tila may ibang bagay pang ipinapahiwatig dahil sa panlalambot ng kanyang mukha roon partikular na ang kanyang mga mata. Ngunit agad iyong napalitan ng isang malamig at walang emosyong tingin na ibinigay niya sa akin.
Tumagos ang sinabi niya sa kin. Tama siya. Lahat na ng tulong ay hiningi ko. Lahat na rin ng maaaring hingan nito ay pinakiusapan ko na. I'm still holding on to the hope na maipapanalo namin ito sa korte gaano man kaliit ang tsansa. But his words, struck me real hard. Siya ang katotohanang hindi ko gustong kaharapin.
"I thought I know you but I realized I don't, anymore. You've changed a lot." nanghihina kong sabi ngunit pilit kong pinatatatag ang aking damdamin.
"Akala mo lang iyon. It's still me. Ito ang Gio Paul noon at ngayon. Nothing has changed." He said those words cold as an ice while his eyes were pitch black and his face blank.
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...