I composed myself before going out and facing everyone.
Nauna ng lumabas si Gio Paul. Hindi ko alam kung nagkaroon ba kami pareho ng realisasyon mula sa aming pag- uusap. Hindi ko rin alam kung naging maayos nga ba talaga ito sa pagitan naming dalawa. At higit sa lahat, hindi ko alam kung ano ba ang kahihinatnan ng naging pag- uusap namin.
Nang makalabas ako ay nakita ko ang malalim niyang titig mula sa kanyang kinatatayuan sa bukas na pinto ng chopper. Ilang minutong nanatili sa akin ang kanyang tingin bago niya muling isinuot ang kanyang wayfarers at tuluyan ng pumasok sa loob ng chopper. Hanggang sa tuluyang makaalis sila ay nanatili akong nakatingin sa daang tinahak ng kanilang sinasakyan.
Napabuntong- hininga na lamang ako at nabigla ng maramdaman ang marahang pagtapik sa aking balikat. Maang akong napalingon sa taong tumapik sa akin at nasilayan ko ang nakangiting mukha ni Apo Mait. Magkahalong sinsero at malungkot ang ibinigay niya sa akin.
"Ganun pa rin ba?" makahulugang tanong niya na hindi ko inasahan. I was caught off guard at alam kong wala na ring silbi pa ang magsinungaling o maglihim sa kanya. Tumango ako at malungkot na ngumiti. Tumango siya at unti- unti ng ibinaba ang nakapataong niyang kamay sa aking balikat at iniwan na akong mag- isa.
Nang sumunod na araw ay tinanghali ako ng gising kaya naman tanghali na rin kaming nakababa mula sa bundok. Mataas na ang sikat ng araw kahit alas- diyes pa lamang ng umaga kaya naman nsobrang pawis na ako at masakit sa balat ang init na dala nito. Pinagmasdan ko naman ang mga batang aking kasama. Hindi nila alintana ang init at pagod. Patuloy sila sa pagtatawag ng mga tao upang bilhin ang mga dala naming handicrafts.
Ang araw na ito na yata ang pinakamatumal na araw namin. Tila kakaunti lamang ang mga turista at nagbabakasyon ngayon dito sa may bayan. Idagdag pa na tanghali na nga kami nakababa. Hindi ko maiwasang mag- alala dahil kamote lamang at kape ang almusal ng mga batang ito. At ang perang makukuha naman namin sa pagbenta ay ibibili namin ng kanilang mga gamit. Aabutin pa mandin ng isang oras ang pag- akyat muli sa bundok. Paniguradong gugutumin sila.
Sa gitna ng tunog ng mga yabag ng iilang tao, kanilang pag- uusap at pagkukwentuhan, at pagbukas sara ng iilang pintuan ng mga tindahan ay nangibabaw sa aking pandinig ang magkasunod na pagpalo ng isa sa mga bata sa dala naming isang gawang- kahoy na maliit na tambol. Nakalikha iyon ng masiglang tunog.
Parang may bumbilyang pumutok sa aking isip makalipas ang ilang sandali. Agad kong tinawag ang mga bata at pinalibot sa akin bago inilahad sa kanila ang plano ko.
Isa- isang umayos ng pwesto ang mga bata at kumuha ng mga instrumentong kaya nilang gamitin. Tinanguan ko sila at nginitian. Nakalinya sila sa aking likod habang hawak ang mga dapat san'y ibebenta naming mga instrumento. Tinupi ko naman ang aking suot na t-shirt pataas ngunit hanggang sa medyo mataas lang na parte ng aking tiyan. Sinigurado ko munang hindi ito matatanggal bago sinenyasan ang mga bata.
Masayang- masaya ang mga bata nang matapos ang aming naging munting pagtatanghal at mas malaki pa sa nakukuha naming pera mula sa pagbebenta ng mga gawang kagamitan ang mayrron kami para sa araw na ito. Ang isa nga sa mga lalaking nanood ay saglit pang nakipag- usap at tinanong ako ng ilang impormasyong akin namang magalang na sinagot.
Ilang sandali ng matapos na sila sa pag- aayos ng kani- kanilang mga sarili at maitabi ko na ang perang aming nakuha ay inayos ko na rin ang aking sarili. Muli ay ibinaba ko na ang aking suot na t-shirt at pinagpag ang mga maliit na lukot nito dahil sa sandaling pagkakatupi.
Nang makapag- ayos na ako ay niyaya ko na sila patungo sa merchandise kung saan kami bumibili ng mga gamit nila sa pag- aaral. Iilang papel, lapis at iba pang gamit ang naiisip kong bibilhin namin para sa araw na ito dahil na rin sa mas malaking kita na mayroon kami.
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...