Chapter 55: Don't make me

46 3 11
                                    

Dalawang buwan ang matuling lumipas at ang buong akala ko ay hindi ko kakayanin ang set- up namin. Akala ko ay magiging mahirap para sa akin ang lahat pero hindi naman pala.

Minsan nga lang ay nalulungkot ako dahil hindi ko nakikita ang mga Ratagnon at hindi ko pa rin sila nabibisita pero kahit ganun sigurado naman akong ligtas sila ngayon. Namimiss ko na rin ang pagtuturo sa mga bata. Ang pagsasalu- salo namin sa pagkain. Ang mga pinagkakatuwaan at mga libangan namin.

Nakaka- homesick ika nga ng maraming OFWs. Hindi ko man sila tunay na pamilya pero sila na yung nagsilbing pamilya ko kahit sa tatlong taon lang na yun.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang tunay kong pamilya lalo na ang aking ina. Naiisip niya rin ba ako? Noong umalis siya, nalungkot ba siya o nagsisi sa pag-iwan sa akin, sa akin ni daddy? Pero nang magkita kami noon bakit hindi niya ako ginustong lapitan? Bakit tila takot na takot siya ng makita ako? Kahit isang beses ba ay hindi siya nangulila sa akin, sa amin na una niyang pamilya?

Walang galit sa puso ko pero punong- puno ito ng sakit, lungkot at pangungulila. Hindi ko maiwasang hindi itanong kung paano niya nagawa ang bagay na iyon. Hindi ko maiwasang isipin kung paano niya nakaya ang lahat. Hindi ko lubos na maintindihan. Hindi ko alam kung anong dahilan niya.

Napapabuntong- hininga na lamang ako habang nakapangalumbaba at nakatunganga dito sa aking mesa sa foundation department. Noon, tuwing naiisp ko ang mga bagay na ito tungkol sa aking nanay ay halos maiyak ako pero natutunan kong maging masaya kahit wala siya, kahit hindi ko naramdaman ang pagmamahal niya. Natutunan kong unawain na lang ang mga bagay- bagay.

Buti na lang ay may sarili pa rin akong lugar at oras para makapag- isip isip. Noong unang araw ko lang naman bilang full- time employee ako hindi pinayagan ni Gio Paul na bumisita dito sa department ko. Ewan ko ba kung ano ang naisip ng lalaking yun sa unang araw ko.

Magaan lang ang trabaho ko at maluwag sa akin si Gio Paul. Gaya ng sinabi niya ay ako nga ang naging personal secretary niya. Ang sekretarya niya nama dito sa opisina ang umaasikaso sa mga pangangailagan niya kapag nandidito lang sa opisina pero kung may kasama ng paglabas ay ako na. Pati ang ilang personal niyang pagkakaabalahan ay sa akin niya rin ibinilin.

At sa dalawang buwan naming pagsasama sa condo unit niya ay masasabi kong maayos ang lahat. Mahirap mang aminin pero para kaming bumalik sa dati. Yung maayos at walang gulo. May iilang pagtatalo kami pero tungkol lang sa kung sino ang magluluto o gagawa ng gawaing- bahay. Nakakapag- usap kami ng mga personal na bagay pero nandun yung limitasyon namin sa isa't isa.

Masasabi kong muli akong naging komportable sa kanya dahil parang bumalik yung Gio Paul na kilala ko. Yung Gio Paul na minahal ko.

Isang malaking kalokohan nga siguro itong nangyayari sa'kin. Isang malaking katangahan naman ang mga naiisip ko. Pero hindi ko maiwasang hindi umasa. Hindi ko maiwasang isipin yung mga pwedeng mangyari. Hindi ko maiwasang isipin ang mga posibilidad. Hindi ko maiwasang mag- baka sakali.

Pero dumadating sa puntong naiinis na rin ako sa mga ipinapakita at kinikilos ni Gio Paul. Pero mas naiinis ako sa aking sarili dahil hindi ko maiwasan ang buhol- buhol na emosyong kayang maramdaman ng sistema ko.

Nawala ako sa malalim na pag- iisip ng biglang mag-ring ang telepono sa aking gilid.

Nang makita kung ano ang numerong umiilaw dito ay napasimangot ako. Walang gana ko itong sinagot ng muli ulit mag-ring.

"Hello?" bungad ko sa tumawag.

"I need you. Right now." diretsang sabi ng nasa kabilang linya. Napatingin ako sa aking wristwatch at nakitang ilang minuto na lang pala bago mag-alas dose ng tanghali.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon