Dahil ayoko namang magsalita at sa pinagsama- samang stress nitong nakaraang mga araw ay tila hinila ako ng antok at unti- unti ng nakatulog.
--
Naalimpungatan ako ng makaramdam ng presensiya sa aking harapan. Dahan- dahan akong napamulat at gulat na nagising ang aking diwa sa sobrang lapit ng aming mga mukha.
"Akala ko ay kailangan pa kitang halikan para magising ka." nakakaloko niyang pahayag.
Inirapan ko lang siya at marahang itinulak palayo sa akin. Ang pagkakalapit namin kanina ay nagdulot ng pagsikip ng aking paghinga. And I don't think it's normal to feel that way kahit wala pa siyang sinasabi o ginagawa.
Muli niya akong tinawag upang bumaba na. Dun ko lamang napagtanto na andito na pala kami sa kanilang resort. Dali- dali na akong lumabas ng mamataan sa kanya ang bag ko.
Sumalubong sa'kin ang isang malaking gate na may malalaking letra na mababasa ang Almendras Resort.
Bigla ang pagdaloy sa'kin ng kaba nang maalala ko ang huli naming pag- uusap bago ako tuluyang makatulog.
I keep on persisting na ayokong tumuloy dahil baka madis- appoint lang ako. No, I did not mean it. I just wanted to piss him off. Yun lang. Pero mukhang ngayon pa lamang ay kakainin ko na lahat ng kabaliwang sinabi ko.
"You look constipated. Any problem?" tila nang- aasar at natutuwa niyang sabi
Umiling lamang ako at alangang ngumiti.
Asshole! I know that smile. Pinagsisisihan ko na talaga ang padalos- dalos sa pagsasalita.
Sumunod ako sa kanya ng muli siyang nagpatuloy sa paglalakad. Brace yourself, Annelia.
Unti- unting bumukas ang malaking gate at sinalubong kami ng iilang tauhan nila dito.
"Welcome back Sir!" sabay- sabay at masayang bati ng mga ito. Binati rin nila ako na tila tuwang- tuwa.
Bumati rin si Gio Paul habang nginitian ko na lamang sila.
Mangha kong tinitigan ang dadaanan namin. Akala mo ay nasa ibang bansa ka sa dahil sa mga punong tila mga sundalong sumasalubong sayo na naglalaglagan ang iilang dahon.
Napatingin ako kay Gio Paul at nakita ko ang isang ngiting sumilay sa kanyang labi. It was not mocking or anything. It was his genuine smile. I smiled back. I guess, I already ate my words. Mamaya na ako magsosorry.
Pumikit ako kahit na nasa gitna ako ng daanan ay umikot ako ng ilang beses. Just in time, I felt free and alive. Dinama ko ang hanging dumadapo sa aking balat. Tumingala ako pero nanatiling nakapikit. I spread my arms like wings at nagpatuloy pa sa ginagawa ko.
Ilang sandali pa ay nakaramdam na lamang ako ng pagdausdos ng isang kamay sa aking bewang. It made me stop.
Ang nangyari ay napasandal ako sa kanyang dibdib. Hearing a loud thumping inside someone's chest. Mine or his. I don't know at all.
"Come on now." bulong niya sa aking tainga at hinigit na ako papasok.
Ang reception area ng hotel ay maganda rin. Vintage and modern na pinaghalo ang style. Classic chandeliers. Big Victorian style curtains. Paintings. Pero kita mo pa rin na may touch of modernity ito.
Inikot ko lang ang paningin ko sa buong paligid habang inaasikaso naman niya ang para sa lugar kung saan kami mananatili. I guess, we won't be staying here dahil sa narinig kong sabi n babae sa desk tungkol sa villa ni Gio Paul.
BINABASA MO ANG
This Love
Storie d'amoreThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...
