Chapter 11: Always and no one else

47 3 4
                                    

Tila tambol na dumadagundong ang puso ko sa kabang nararamdaman. Rinig na rinig kasi dito sa backstage ang hiyawan ng mga estudyante sa bawat dash.


Iba- ibang mga pangalan ang naririnig ko. At mas ikinakaba ko ng marinig ang hiyawan ng mga taga- dash C. Pigil na pigil ko ang aking sarili na silipin ang loob ng lugar na ito.


Naalala ko tuloy ang reaksyon ng mga kaibigan ko ng subukan namin ang mga damit na inihanda ng mga blockmates namin. Hindi ko nga lang matimbang kung maiinsulto ba ako o matutuwa sa mga reaksyong ibinigay nila lalo pa nung sukatin ko ang isang two piece na pulang- pula. Kulang siguro ang sabihin kong baka napaos sila sa sobrang kakatili dahil sa nadiskubre sa akin.



"Annelia!" tawag sa'kin ng isang napakapamilyar na tinig na agad ko rin namang nilingon.



Ngiting- ngiti ito at naka- half run ng papalapit sa akin. Hindi ko naiwasan ang pagmasdan siya. Isang simpleng black polo shirt na may nakaburdang SC sa left chest at semi- fitted jeans na pinarisan ng Vans lang naman ang suot niya pero labas na labas pa rin ang akin niyang kakisigan. Handsome is an understatement for him. Tila maikukumpara kasi siya sa mga Greek gods. Maaari pa niyang mataasan ang karisma ng mga ito.


Hinihingal na huminto ito sa harap niya. Kitang kita ko ang pagtulo ng pawis sa kanyang mukha but still he was utterly handsome.


Tila nagising ako sa pantasya ng ngiting- ngiti ito sa aking harap na ayos na ang paghinga. Mabuti na lang at napigilan ko ang pagpilig sa aking ulo dahil kung hindi ay malamang nagmukha akong kahiya- hiya.

Nang maiayos ko ang sarili ay nakita ko namang pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa at napakunot ang kanyang noo. Tila may kirot akong naramdaman sa tila disgusting nakita sa kanyang gwapong mukha.

Inalala ko kung ano ang ayos ng buhok ko at pati na rin ang make-up na mismong mga kaibigan ko run naman ang nag- asikaso.


Half- pony fishtail at beachy wave ang ayos ng buhok ko at light lang ang make- up ko para daw mas makita ang natural features ko sabi ni Rica.


Napatingin naman ako sa aking sarili, particularly sa suot kong damit. Isang blue sleeveless cropped top at ripped shorts na pinarisan ng knee high gladiators ang shot ko. Tinernuhan din ito ng mga kaibigan ko ng isang airplane dainty necklace. Casual naman ito kaya siguradong walang mali sa bawat pirasong suot ko ngayon.


Napabuntong- hininga na lamang ako at nag- angat na ng tingin.

Nang magtamang muli ang aming mga mata ay nawala na ang kunot ng kanyang noo. And just like a bubble that disappears out of the blue ay napalitan ang mga emosyong nakikita ko sa kanyang mukha lalo na sa kanyang mga mata. It was as if he was looking at the most beautiful girl in the world.


It made my heart beat faster than it's pace awhile ago. Ngayon ay tila tambol ito at hinahabol din ng mga kabayo. At sabay ko itong nararanasan. He was giving my heart and emotions a hurricane, a disaster. Until, the words actually left his lips.



"You are very beautiful, even without your make- up tonight. But then you have to put those on. And, well uhm. Shit, this is hard to admit."

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon