Chapter 23: Wife

53 2 1
                                    

Nang sumunod na araw ay ang driver nila Gio Paul ang naghatid sa'kin. Kinailangan kasi siya sa kompanya nila. Totoo nga na sigurado na ang kinabukasan niya. Kapag natapos niya kasi ang kanyang kurso at makapasa sa Board Exam ay agad na iaatang sa kanya ang responsibilidad sa kanilang kompanya.

Napakatayog na talaga ng buhay niya. Iniisip ko pa lang lahat ng responsibilidad niya ay nalulula na ako. Ang pagiging nag- iisang anak. Tagapagmana ng kompanya. At higit sa lahat ay ang pagiging nag- iisang apo ng matandang Almendras.

Marahil ay sobrang ipinagmamalaki siya ng kanyang pamilya gaya ko. Ngunit sa kabila nito at nang kasiyahang nararamdaman ko para sa kanya ay muli na namang umuusbong ang takot sa aking dibdib. Paano kung dahil sa mga responsibilidad niya ay mawalan siya ng oras? Paano kung bitawan niya ako? Paano kung kalimutan niya ako? Iniisip ko pa lamang ay naluluha na ako.

Ngunit sino ako para kwestyunin ang pagmamahal niya? Sino ako para magduda sa pagmamahal na ibinibigay niya. Napabuntong- hininga na lamang ako at napagtantong naririto na pala kami sa tapat ng dorm na aking tinitirahan.

"Manong, iaayos ko lang po ang mga gamit ko. Magmeryenda lang po kayo habang hinihintay ako." matamlay kong sabi at agad ng pumunta sa kwartong huling beses ko ng ookupahin.

Pinagmasdan kong mabuti ang kwartong ilang taong nagsilbing aking tahanan. Ang lugar na nakasaksi sa halos kalahati na ng aking buhay. Hindi ko maiwasang malungkot na lilisanin ko na ang lugar na ito.

Matapos ang ilang minutong pagmumuni- muni ay inayos ko na sa aking malaking bag ang mga damit at iilang gamit na dadalhin ko. Ilang sandali pa ay natapos rin ako agad dahil kakaunti lamang naman ang mga dalahin ko. Napagdesisyunan kong iwan ang iilang mga palamuti ng aking kwarto.

Bumaba na rin ako bago pa maging emosyonal ngunit sumalubon naman sa'kin ang iba kong mga kasama pati ang may- ari ng bahay.

"Sakaling gustuhin mong bumalik ay welcome na welcome ka dito, tandaan mo yan." paalala sa'kin ni Aling Cora na siyang may-ari nito. Tumango na lamang ako dahil sa namumuong bukol sa aking lalamunan.

"Mamimiss ka namin." sabay- sabay na hayag naman ng iilan kong kasamahan at niyakap na ako.

Nang nasa gate na ako ay muli akong tinawag ni Aling Cora. "Kapag sinaktan ka niyang lalaking 'yan, sabihin mo agad sa'min. Ang isang babaeng katulad mo ay nararapat lamang na mahalin ng tunay. Yan ang itatak mo sa iyong isip at puso, Annelia." Dahil sa mga sinabing iyon ni Aling Cora ay naiyak ako ng tuluyan at patakbong yumakap sa kanya.

"Tatandaan ko po lahat ng bilin niyo. Maraming salamat po sa kabaitan niyong lahat." At nagpaalam na ako ng tuluyan.

Sa biyahe ay tulala lang ako at walang imik. Kahit nahihiya ako kay Mang Cardo na siyang driver ni Gio Paul dahil sa hindi ko siya pinapansin ay wala talaga ako sa huwisyo para makipag- usap.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon