Chapter 21: Stars

65 4 6
                                    

Nang sumunod na araw ay masaya kaming bumalik sa kanyang villa. Sino nga ba ang mag- aakala na pagkagaling sa bundok ay magkakaroon ako ng boyfriend.

Sinulit namin ang ilan pang oras bago muling bumalik sa Manila. Lumangoy kami sa dagat, nag- jetski at kung anu- ano pa.

Nang sumapit ang tanghalian ay kumain lang kami at gumayak na para sa pag- uwi.

Sinuot ko ang isang white sleeveless dress na umabot hanggang sa tuhod ko. Hapit ang itaas nito habang ang ibaba naman ay flowy na siyang dahilan bakit ito ang isinuot ko. Pinaresan ko ito ng isang Flipflop sandals.

Wala naman akong ibang dalahin bukod sa bag ko. Lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa sala. Naabutan ko si Gio Paul na nakahilig sa sofa at nanonood ng isang action movie. Nanatili ako sa kanyang likuran at pinagmasdan muna siya.

Nakasuot siya ng isang white sleeveless shirt at jeans na pinaresan niya ng itim na sneakers. Lalong nagpagwapo sa kanya ang suot niyang dogtag.

Ilang sandali pa ay marahil naramdaman niya ang presensiya ko kaya siya napatingala sa'kin. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang adam's apple sa kanyang paglunok. Dumagdag pa ito sa kagwapuhan niya kaya naman tila nanghihina ako sa kinatatayuan ko kaya agad akong napahawak sa sofa upang magkaroon ng suporta.

Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak dito at nanatili ang titig niya sa akin.

"Kanina ka pa ba dyan?" tanong niya sa akin.

"Hindi naman." sagot ko at ipinagpasalamat ko na lamang na nanginig ang boses ko.

Ngumiti siya at tinapik gamit ang libre niyang kamay ang tabi ng sofa na kinauupuan niya. Nakuha ko agad na gusto niya akong maupo roon kaya hindi na ako nag- dalawang isip pa. Ngunit naging matagal ang pagdating ko sa kanyang tabi dahil hawak niya pa rin ang isang kamay ko kahit na patungo na ako sa kanya. Idagdag pa ang hindi niya mawalang titig sa akin.

Nang matabihan ko na siya ay hinapit niya ang aking bewang at pinalapit ako sa kanya. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at pinatay ang tv. Sinilip ko siya ng kaunti dahil kapag bumaling ako ng todo ay maglalapat ang aming mga labi. Nakita kong nakapikit siya at payapa ang mukha.

"I wish we could stay here longer." bigla niyang sabi ng hindi pa rin idinidilat ang kanyang mga mata.

"May pasok na tayo bukas eh." sabi ko na lang upang mabigyan siya ng magandang rason na hindi na kami maaaring magtagal.

"I know. It's just that I still want to be with you." sabi niya sa isang malungkot na tono at bumuntong- hininga.

"Magkapareho naman tayo ng university ah. Magkikita at magkikita tayo." pakunswelo ko sa kanya.

Inalis niya ang pagkakapatong ng kanyang baba sa aking balikat at pinaharap ako sa kanya. Isinandal niya ang kanyang ulo sa sofa at muling hinuli ang mga kamay ko qt pinaglaruan ito.

"Oo na. I'll just miss you kasi hindi naman halos sabay ang schedule natin. Iniisip ko pa lang ay namimiss na kita." Ngumuso siyang parang bata matapos sabihin iyon.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon