Chapter 40: Heartbreak

37 1 0
                                        

Isang beses ko pang inikot ang buong bahay. Bawat lugar. Bawat kwarto. Bawat sulok ay tinignan at itinatak ko sa aking isip at puso. Bawat pangyayari, masaya o malungkot ay ibabaon ko sa aking pag- alis.

Nang nasa ikalawang palapag na ako ay hinawakan ko ang seradura ng pinaka- importanteng kwarto para sa akin.

Ang sabi ko hindi ko na ito muling papasukin. Ang sabi ko hindi ko na ito muling sisilipin pa. Ang sabi ko hindi ko na ito muling titignan pa. Pero ito ako at hindi rin napagbawalan ang sarili. Kahit ngayon na lang ulit. Kahit sa huling beses na lang.

Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto. Naalala ko ng alagaan niya ako noong magkasakit ako. Naalala ko yung mga oras na umiyak siya dahil nasasaktan ko rin pala siya. Naalala ko bawat pagkakataon na yakap niya ako at nag- uusap kami ng kung ano lang.

Isang luha ang kumawala mula sa aking kaliwang mata. Napapikit ako at mapait na napangiti.

Mula sa bulsa ng suot kong pantalon ay kinuha ko ang isang nakatiklop na papel at tinungo ang bedside table.

Nakatayo roon ang ilang frame na naglalaman ng mga litrato namin.

First date.

First monthsary.

The two of us on his graduation day.

At ang litrato namin noong nasa resort nila kami. Ang background ay ang magandang tanawin ng paglubog ng araw. We were in his haven that time.

Hinaplos ko ito at kinuha. Mataman ko itong tinitigan at dinala sa aking dibdib. Binaba ko rin ito agad at isa- isang itinaob ang mga ito.

Ang papel naman na hawak ko ay inipit ko sa frame na laman ang litrato namin sa resort.

Isang beses ko pang iginala ang aking mga mata sa buong kwarto bago magdesisyong lumabas. Maliliit na hakbang lamang ang ginawa ko. Ninanamnam ang bawat isang sandali ng presensiya ko sa bahay na ito. Ninanamnam bawat alaalang naipundar namin sa bahay na ito. Ninanamnam bawat alaalang dapat ko ng marahil na ibaon.

Nang pababa ako sa hagdan ay natanawan ko si Emman na nakatayo sa gilid ng sofa at binitbit na ang isang malaking bag ko. Napaangat siya ng tingin ng marinig ang mga yapak ko.

Hindi siya ngumiti. Wala siyang reaksyong binigay pero kita sa mga mata niya ang lungkot at panghihinayang. Iwinala ko na lamang sa aking isipan ang mga emosyong nakita ko mula sa kanya. Ngumiti ako ngunit ngiwi ang ibinalik niya sa akin.

Nang makarating ako sa harapan niya ay kinuha ko naman mula sa sofa ang backpack na ako ang magdadala. Inayos ko ito pati na rin ang aking sarili.

"Tara na Emman." yaya ko sa aking kaibigan na wala pang salitang binibitawan simula kanina. Tinanguan niya lang ako at nagpatiuna na sa paglalakad.

Sa labas ng pintuan ay huminto muna ako at hindi muna tuluyang isinara ang pintuan.

"Sandali lang Emman." sabi ko kay Emman habang nakaharap lang sa pintuan at hindi na siya nililingon.

"Bakit, Elia?" rinig kong tanong niya.

"Basta, sandali na lang." tipid kong sagot kahit na alam kong sobrang pagtataka na ang nararamdaman niya.

Marahan akong pumikit.

This is it. It will all end here. I have to leave every single thing about us from now on. I have to keep every inch of you at the back of my mind, at the back of my heart.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon