Hindi ako natinag sa pagkakasalampak sa semento. Maging ang pag- iyak ko ay hindi nagpaawat.
Ramdam ko ang sakit sa aking buong katawan. Kung sana ay purong pisikal na lamang ang lahat. Kung sana ay sinampal na lamang ako. Kung sana ay panglabas na kaanyuan ko na lamang ang nasasaktan. Ang kaso hindi eh.
Sa bawat araw na hindi ko siya nakikita. Sa bawat oras na lumilipas at wala akong balita sa kanya ay parang unti- unti akong nawawalan ng buhay. Tila unti- unting nawawalan ng saysay ang araw- araw na paggising ko.
Bakit ganito? Bakit ako ng ako ang nasasaktan? Bakit ako ng ako ang umiiyak? Bakit parang panandalian lang ang lahat?
May mali pa rin ba sa akin? AKo pa rin ba yung may kasalanan? Was I the one, hugging another person sa gabi ng sinabi ni Alice na engagement paty namin? Was I the one who kissed another person?
Ang isiping natuloy nga ang tagpong iyon ay hindi ko kaya. Mas lalong sumisikip ang aking dibdib. Mas lalong sumasakit ang kirot na mayroon sa aking puso.
"Gio Paul! Ang daya mo naman eh! Bakit wala ka?! Nasaan ka ba kasi?! Ano na?!" sigaw ko sa abot ng aking makakaya kahit na alam kong wala rin naman itong silbi.
"Akala ko ba dapat wala tayong tinatago sa isa't isa?! Bakit ngayon, ikaw mismo yung wala?! Ikaw mismo yung nagtatago eh?! Bakit hindi mo sabihin ng harapan kung ano bang problema?!" Bulong na lamang ang pagkakasabi ko sa mga huling salita. Natatakot ako. Nakakatakot na mayroon ngang problema.
I feel so dumb right now. Habang naghihintay at umaasa sa wala. Habang nakasalampak at parang batang umiiyak. Habang patuloy na nagmamahal kahit nasasaktan na ako.
-
Gaya nang mga nakaraang araw ay wala sa sarili akong pumapasok sa cafeteria at sa mga klase ko. Ito na ang pang- apat na araw na hindi ko pa ulit nakikita si Gio Paul. Pang- apat na araw na hindi pa siya nakakausap. Pang- apat na araw na ni isang pagpaparamdam mula sa kanya ay hindi ako nakatanggap. Pang- apat na araw na umaasa akong dadarating siyang. Pang- apat na araw na lagi ko siyang hinahanap o inaasahan na susulpot na lamang sa harap ko at magpapaliwanag.
Thursday na. Hindi ko alam kung tama pa bang umasa sa mangyayari bukas. O kahit nga sa mangyayari sa araw na ito. Hindi ko alam kung tama pa bang umaasa na may kahihinatnan pa ba lahat ng ginagawa ko. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat. Hindi ko na alam kung ano ba ang tama o mali.
Natatawa ako sa sitwasyon ko ngayon. Bakit ba kasi nagmamahal pa ang puso? Bakit kasi kailangan makaramdam nun ang isang tao? Bakit kailangan maghanap ng tao? Bakit kailangan kapag nagmamahal, nasasaktan? Bakit kailangang maging ganito kakumplikado?
Hindi ba pwedeng maging madali na lamang lahat? Hindi ba pwedeng maging maayos na lamang lahat? Hindi ba pwedeng wala na lang yung sakit? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang?
Lord, sorry po sa sasabihin ko. Kahit ngayon lang po.
Huminga ako ng malalim bago walang pakundangang sumigaw sa tahimik na parteng ito ng aming eskwelahan.
"Gio Paul! Tang ina naman eh! Bakit ganito?! Nakakagago ka naman eh! Nasaan ka ba kasi?! Ano?! Ito na ba yun?! Missing in action ka na lang?! Ang gago mo Gio Paul. Ang gago mo." Sa bawat sigaw ko ay nakakapanghina. Sa bawat sigaw ko ay parang nauupos akong kandila.

BINABASA MO ANG
This Love
Lãng mạnThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...