Chapter 43: Hindi ko kaya

50 2 1
                                        

Unti- unti ng umaandar ang bus at tinatanaw ko naman sina Emman mula dito sa bintana. Ngumiti ako at kumaway sa kanila. Ganun rin ang ginawa nila bukod na lamang sa mga malulungkot na mga mukhang kanilang ipinakita sa akin. Nang hindi ko na sila matanawan ay umayos na ako sa pagkakaupo at pinagkasya ang sarili sa pagtingin sa tanawin sa labas.

Papalubog na ang araw at isa- isa ng nagsisiliwanag ang mga buildings na aming nadaraanan. Isinandal ko ang aking ulo sa bintana at ipinikit na lamang ang aking mga mata dahil sa paniguradong tagal ng byahe.

-


"Good morning sa inyo." masigla kong bati sa aking mga estudyante.

"Good morning Ate Elia!" sabay- sabay na tugon nila na nakapagpangiti sa akin.


Maituturing kong isang award ang unti- unting pagkatuto ng mga batang ito. Nagsisimula ang edad ng aking mga tinuturuan mula 4 na taong gulang at ang pinakamatanda sa kanila ay 14.

Hindi iilang beses na sinubukan nilang matutunan talaga ang mga tinuturo ko kaya lang ay iniiwan sila ng mga volunteer teachers dahil na rin sa mga kakulangan ng gobyerno. Madalang ang pagdating ng mga supply ng gamit. Kulang sa budget para sa mga librong dapat ay kanilang napapakinabangan. At hindi nabibigyan ng sapat na sweldo ang mga nagboboluntaryo sa mga ganitong lugar.

Ngunit tila dito ko nahanap ang kapayapaan at kaligayahang hinahanap ko. I felt that this was my calling. So I pursued it and I am right with my decision. Hindi man natutugunan ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan ng mga batang ito kahit papaano ay natutulungan ko sila.

I did not only find my calling but as well as a family. A home that I've been longing for so many years.

Nang dumating ako sa lugar na ito ay hindi ko naramdaman ang pag- iisa. Na hindi ako kabilang sa kanila. Dahil mainit at buong puso nila akong tinanggap. Walang tanong. Ipinadama nila sa akin na parte ako ng tribo nila. Ang mga Ratagnon ay hindi alintana ang kaibahan ko sa kanila bagkus ay sinalubong nila ako at pinakita nila sa akin ang kulturang mayroon sila.

For 3 years now that I've stayed here in Mindoro with these people, I felt that I belonged. I felt that I am loved.

Nang simulan kong turuan ang mga batang ito ay agad kong nakita ang pag- asam sa kanilang mga mata at wala akong ibang naramdaman kundi ang determinasyon para matugunan ang pangangailangan at karapatan nilang ito.

It is their right to be educated. For their minds to know and learn. For their dreams to soar and be fulfilled. Gusto kong matuto sila. Gusto kong sila ang mag- aangat sa kanilang lahi. Gusto kong habang nililinang nila ang lugar na ito ay ganoon rin ang pagkatuto ng bawat isa.

Ayaw kong isipin na aapihin lamang sila at aapakan dahil sa pagpapanatili nila sa kulturang kanilang kinagisnan. Ayaw kong maranasan nila ang mga naranasan ko. Dahil higit pa sa mga iyon ang nararapat sa kanila.

Nagsimula na ako ng klase. Isa- isa ay tinawag ko muna ang kanilang mga pangalan upang masiguradong lahat ay naririto. Makikita ang determinasyon ng bawat isa sa kanila. Sa kanilang mga ngiti ay masasalamin ang pagnanais at pag- asa na maiaangat at mapapaunlad nila ang kanilang mga sarili. Kaya naman ay tutulungan ko sila sa kagustuhan nilang ito.

Hindi pa man kami nakakadalawang oras sa klase ay naantala kami ng malakas na hangin at tunog ng tila isang helicopter.


"Mga bata, dito na lang kayo. Ako na lang ang lalabas at titingin. Maliwanag ba 'yon?" paalam ko sa kanila na kanila namang sinang- ayunan.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon