Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang pakiramdam ko. Basta ang alam ko lang ngayon ay siya lang ang pwede kong mapuntahan.
Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Hindi lang dahil sa trabaho pero dahil sa lahat ng nangyari sa araw na 'to.
Hindi ko naman hiniling pa na magkita kami eh.
Ni hindi ko pinangarap na babalik pa siya at magiging parte ulit ng buhay ko.
Masaya na ako sa buhay ko, pero ayan na naman siya. Unti- unti ginugulo niya yung tahimik kong buhay.
Naramdaman ko na naman yung mabilis na tibok ng puso ko simula nung bumalik siya. Ilang taon na ang lumipas, hindi ko inaasahang mararamdaman ko pa ulit ito. Lalong lalo na at sa kanya ulit.
Ayoko na. Natatakot ako sa pwedeng kahinatnan ko. Ayokong umiyak na naman ulit at masaktan. Ayokong malunod na naman sa lungkot at hirap ng mawalan at iwan.
Bakit ba kasi kung kelan ako lumalayo, dun siya lumalapit? Kung kelan ako umiiwas, dun siya lagi sumusulpot?
Ito na naman ang puso ko, nagiging tanga kapag nakikita siya. Ito na naman ang puso ko nahuhulog sa kanya.
Wala naman siyang ginagawa pero hindi ko mapigilan ang puso ko sa gusto nitong maramdaman.
Gusto ko ng magising sa panaginip na 'to.
Gusto ko na lang bumalik sa mga taong wala siya.
Gusto ko na lang bumalik sa mga panahong hindi ko na nararamdaman ito.
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...