"Did I keep you waiting?" tanong ni Gio Paul pagkapasok na pagkapasok dito sa kusina.
"Hindi naman." sagot ko at tumayo na mula sa pagkakaupo para maglagay ng rin ng kanin at ulam sa mesa. Pinigilan kong mag- usisa sa kung ano ang dahilan ng pagpunta ni Alice dito kaya nanatili akong tahimik. Alam kong kitang- kita niya ang takot ko kanina kaya siguro naging ganoon ang reaksyon niya pero kahit ako ay hindi alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon.
Nang mailapag ko na sa mesa ang kanin at ulam ay hinawakan naman agad ni Gio Paul ang kamay ko kaya maang ko siyang tinignan.
"Sinabi kong sa opisina na lang kami mag- uusap bukas at pinauwi ko na siya." malumanay niyang sabi habang nakatitig sa aking mga mata at mahigpit na hawak ang aking kamay. Nakaramdam ako ng kaginhawan at napabuntong- hininga.
"Thank you." kiming sagot ko na ipinagkibit- balikat niya at nginitian. Ngumiti na lamang ako pabalik.
"Let's eat?" yaya nito na tinanggap ko na. Umupo na kami at pinagsaluhan ang pagkain sa mesa.
Simula ng huling insidente na nakatulog ako ng ilang oras ay sinikap ko na talagang hindi makatulog ulit ng walang gulong mangyari. Hindi naman ako pinagbawalan ni Gio Paul na pumunta punta sa department ko basta daw ipangako ko na kapag ipapatawag niya ako ay mabilis akong pupunta sa kanya. At yun nga ang ginawa ko at ginagawa hanggang ngayon.
Nagdesisyon akong mag- over time sa department ko tutal naman ay nasabi rin ni Gio Paul na may kakausapin siya nitong hapon. Ayoko namang maburyo sa kahihintay sa kanila ng kausap niya kung mananatili ako doon at makikinig lamang.
Kaharap ang aking computer binuksan ko ang mga financial files na naka- encode dito at chineck kung tama ba lahat at walang nagagastos ng hindi alam. May tiwala ako sa mga naatasan ko sa aspetong ito ng department gusto ko lang rin talagang ma- monitor ang lahat.
Nang matapos ako ay limang minuto na lang bago mag- alas siyete. Tinignan ko ang aking cellphone kung may message ba si Gio Paul pero nakapagtatakang wala. Hindi ba importante ang kakausapin niya at hindi na niya ko pinatawag pa?
Tanging ako ma lang ang nandito sa floor. Alas- singko ang kasi ang out at wala namang mahilig mag- over time lalo pa't sanay sila na tapusin at ubusin lahat ng mga trabaho sa nakalaang araw kaya sa kinabukasan ay panibagong mga bagay na ang kanilang pagtutuunan ng pansin. Pinatay ko na ang aking computer at nag- inat muna. Niligpit ko na rin ang aking mga gamit at dumiretso na sa elevator para umakyat sa floor kung nasaan ang opisina ni Gio Paul na siyang huling palapag nitong building.
Nang makarating ako doon ay kaunti ns lang sila. Madalang rin naman mag- over time ang karamihan sa mga tao dito depende na lang kung malaking project talaga ang kailangang mameet ng deadline. Nilakad ko na ang papunta sa opisina ni Gio Paul akmang bubuksan ko na ang pintuan nito ng tawagin ako ng mga pauwi na.
"Oh Ms. Rodriguez! Akala namin ay nauna kang umuwi kasi kanina ka pa wala?" bati sa'kin ng IT specialist.
"Nasa department ko po ako kanina. May mga tinapos lang." magiliw kong sabi sa kanila. Tumango- tango sila at isa- isa ng nagpaalam sa akin. Niyayaya pa nga nila ako na sumama sa kanila dahil lalabas sila pero tumanggi na lang ako.
"Next time na lang po ako. Ingat kayo." paalam ko sa kanila at hinintay na tuluyang magsara ang elevator bago lumakad na ulit patungo sa opisina ni Gio Paul. Wala na si Marie sa kanyang mesa. Siguro ay pinauwi na ni Gio Paul.
Dahan- dahan kong itinulak ang glass door ng kanyang opisina para hindi maagaw ang pansin ni Gio Paul at ng kung sino mang kausap niya. Nagulat ako kung sino ito. Kaya ba hindi niya ako pinapatawag? Kaya ba hindi niya ako naaalala?
BINABASA MO ANG
This Love
Любовные романыThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...