Chapter 45: Not him anymore

50 2 1
                                    

Nang makarating ako isang Sabado sa opisina, saktong bibilang na isang buwan na akong nagtatrabaho sa ilalim ng kumpanya ng mga Almendras, ay hindi ko maintindihan kung matutuwa ba ako sa sumalubong na balita sa akin.

Ang isang bakanteng pwesto raw kasi sa pinakaunang palapag ng building ay ilalaan para sa pagbebenta ng mga handicrafts na gawa ng mga kababaihang Ratagnon.

Dapat ay matuwa ako dahil makatutulong pa ito lalo sa kanila ngunit alam kong hindi nila ito magugustuhan. Oo, gumagawa sila ng mga dekalidad na mga produkto at ipinagbibili rin namin ito sa bayan tuwing Sabado at Linggo noon. Ngunit hindi naman dahil kailangan nila ang pera kundi para sa mga gamit ng mga bata sa pag- aaral. At dahil, tumutulong na sila Tito Paulo sa bagay na iyon ay hindi na kakailanganin pa ito ngayon.

Sa kabila ng kaguluhan sa aking isip sa mga nangyayari ay kalmante kong tinungo ang opisina ni Tito Paulo. Alam kong hindi niya magagawa ang ganitong bagay dahil napag- usapan namin ito ng tumungo sila sa Mindoro pero tila nagduda na ako dahil sa nabalitaan ko.

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay malalaking hakbang ang ginawa ko patungo sa opisina ni Tito Paulo. Agad naman akong pinapasok ng kanyang sekretarya dahil wala naman raw itong meeting at kilala na rin ako nito.

Pagpasok ko ay kausap ni Tito Paulo si Lyle. Tila magiliw na nagpapaliwanag si Lyle ng may ngiti sa bibig habang nakikinig ng mabuti si Tito Paulo ng madatnan ko sila.

Nag- angat ng tingin si Tito Paulo ng mapansin ang paglingon ni Lyle. Nakahanda agad ang ngiti ni Lyle ngunit hindi ko ito naibalik sa kanya. Si Tito Paulo naman ay bahagyang nabigla dahil na rin sa hindi ako nagpasabi na bibisitahin ko siya dito sa opisina.




"Elia, biglaan ata ang pagpanik mo rito at hindi ka na nagpasabi." panimula niya.


"Pasensya na po Tito. Biglaan lang po kasi may dumating po sa aking balita." hindi ko naman ng paumanhin. Iminuwestra niya ako na maupo sa upuang kaharap ni Lyle na katapat pa rin ng kanyang mesa.


"Ano ba 'yon at napasugod ka ng maaga dito?" tanong nito. Tumingin muna ako kay Lyle.


"Lyle, excuse lang sa pinag- uusapan niyo ni Tito Paulo. This one is really important. Maaari bang mauna na ako?" hingi ko sa kanya ng paumanhin at permiso.




Tumango naman siya kaya bahagya ko siyang nginitian at itinuon na ang pansin ko kay Tito Paulo na naghihintay sa aking sasabihin.




"Tito, bakit naman po magkakaroon ng store para sa mga handicrafts na ginagawa ng mga Ratagnon? Ang akala ko po ay naipaliwanag ko na ito ng mabuti at napag- usapan na po natin?" paliwanag ko sa tonong hindi ko rin mawari. Walang galit o inis itong kasama ngunit tila may pait na hindi ko malaman kung saan galing.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon