Nang mga sumunod na araw ay ganun pa rin ang ginagawa ko. Umiiwas ako sa abot ng aking makakaya.
Sa cafeteria ay lagi akong pinagtatakpan nila Aling Vina at Cecille. Kapag pumupunta naman siya sa dorm ay mga karoom ko ang sasalubong sa kanya at sasabihing umalis na ako sa umaga o kaya nama'y tulog na ako sa gabi.
Sa mga pagkakataon namang maaaeing makasalubong ko siya sa loob ng campus ay ako na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi kami magkatagpo. May mga oras na liliko kahit mapalayo ako ng daan basta hindi lang kami makita.
Siguro sa mga oras na ito ay galit na galit na siya. Para sa akin ay mas mabuti na rin yun. Para hindi na lamang siya mangulit. Para hindi na siya magpilit.
Napapabuntong- hininga na lamang ako sa pinaggagawa ko. Bakit ba ako umiiwas? Bakit ba ako nagpapakahirap lumayo ng lumayo?
Is it because of that freaking kiss? Naitanong ko sa aking sarili.
Ano pa nga ba? It was one big blow sa akin. Who would be happy after a big rejection dahil sa hindi ka marunong humalik habang ang lalaki sa harap mo ay best kisser ata.
Tila lumilipad ang utak ko habang naglalakad papunta sa una kong klase ngayong araw.
Dahil sa pagiging Miss SJU ay nakilala ako ng lahat. Marami rin ang nagbago sa'kin. Hindi maiiwasan iyon. Lalo pa't kailangan kong magsilbing role model sa lahat.
Bawat makakasalubong ko ay kailangan kong batiin pabalik. Ngiti dito. Ngiti doon. Ngunit sa araw na ito ay tila hindi ako makapagbitiw ng isang totoo at masayang ngiti talaga. Paano ay Biyernes na. Naalala ko ang huling sinabi ni Gio Paul sa'kin na itong sabado daw ang bakasyong premyo ng pageant.
Tumanggi ako pero sa tingin ko'y magpupumilit siya. Pero ayoko na. Hindi ko na yun i- ke- claim pa.
Natigilan ako sa tila zombie na paglalakad ng makita ng malinaw ang isang bulto sa aking harapan.
"Shit!" bulong ko sa aking sarili.
Inayos ko agad ang suot kong salamin at hinigpitan ang hawak sa akin mga libro at bag. Akmang tatalikod ako ng hawakan niya ang aking pulsuhan kaya hindi ko ito natuloy.
Hinarap ko siya at maang tinignan.
"Gio Paul, ikaw pala. May kailangan ka?" patay malisya kong tanong.
Seryoso lang ang kanyang mukha at hindi nagsasalita.
Piniglas ko ang aking kamay sa pagkakahawak niya ngunit hindi niya ito binitawan.
"May klase pa kasi ako eh. May kailangan ka ba? Nagmamadali ako. Pwedeng bitaw?" walang emosyon kong sabi.
"Iniiwasan mo ba ako?" diretsong tanong niya na titig na titig rin sa aking mga mata. Mababakas sa kanyang mata ang frustration at lungkot.
Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha. There were those dark circles under his eyes. Pero it seems to give him more attractive factor.
Marahan kong pinilig ang aking ulo sa naiisip.
"Anong sinasabi mo? May klase lang talaga ako kaya ako nagmamadali." sagot kong hindi siya tinitignan.
![](https://img.wattpad.com/cover/23847995-288-k588782.jpg)
BINABASA MO ANG
This Love
Любовные романыThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...