Ilang beses na akong nagpabalik- balik ng tingin sa human size na salamin sa loob ng walk- in closet ni Gio Paul.
Isang sleeveless floral dress ang suot ko na umabot hanggang sa ibabaw ng aking tuhod na pinaresan ko ng isang nude colored flat shoes. Ang buhok ko nama ay itinaas ko sa isang ponytail. Pulbo lamang ang inilagay ko sa aking mukha at nag- lipgloss lamang.
Isang katok sa pinto ng closet ang narinig ko.
"You done yet?" tanong ni Gio Paul sa labas.
"Lalabas na." sagot ko at kinuha na ang isang maliit na shoulder bag na dadalhin ko.
Nang makalabas ako ay agad umaliwalas ang mukha ni Gio Paul habang pinagmamasdan ako. Agad niyang inilihad ang kanyang kamay sa akin at malugod ko itong tinanggap. Agad niyang hinapit ang aking bewang matapos at inilapit ang kanyang mukha sa aking tenga.
"You are so beautiful, as always." bulong niya na agad ikinapula ng aking pisngi at mas nakadagdag sa kabang aking nararamdaman.
Linggo at ito na ang araw ng pagpapakilala niya sa akin sa kanyang mga magulang. Puno ng kaba ang aking puso at kung anu- anong bagay na ang pumapasok sa aking isip.
Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala siya at hindi na ako hawak. Naramdaman ko na lamang ang isang malamig na bagay sa aking leeg at agad akong napahawak sa pendant nitong isang ID bar na may tila nakasulat. Agad akong napaharap sa kanya at agad niyang binigkas ang mga salitang nakaengraved dito.
"Mi Unico Amor." sabi niya at dinampian ng halik ang aking labi bago ako hinila palabas ng kwarto.
It was the same words printed on our shirts and I couldn't help but feel so happy. Dahil sa kwintas at binitiwan niyang salita ay dagling nawala ang kaba sa aking puso.
Habang nasa byahe ay hindi niya binitawan ang kamay ko maliban kung kailangan niyang magpalit ng gear. Kahit na sinabi kong dapat ay manatili na lamang ang kamay niya doon ay hindi niya ginagawa kaya naman hindi na ako nakipagtalo at hinayaan na lamang. I was preoccupied the whole trip dahil magkausap kami. Mga bagay na kung anu- ano lang ngunit kuntento na kami roon.
Matapos ang isang oras at kalahating byahe ay nakarating kami sa tapat ng isang malaking itim na gate. Nakita kong sumulyap ang guard at tumango kay Gio Paul. Bumukas ang gate at tumambad sa akin ang isang malaking classic na bahay. Isang van at sasakyan ang nakaparada sa garahe bukod sa kay Gio Paul.
Inakay na ako nito patungo sa loob at sinalubong kami ng masasayang mukha ng isang matandang babae at dalawa pang tingin ko ay nasa edad na dalawampu't siyam pataas. Magalang ko silang binati at nginitian. Magaan ang pakiramdam ko sa kanila at hindi nakaramdam ng anumang kaibahan.
Magkahawak kamay naman kami ni Gio Paul nang magtanong ito kay Manang Ising, ang pinakamatanda.
"Manang, asan po si Papa at Mama?" magalang na tanong ni Gio Paul sa matanda.
"Naroon sa garden at kanina pa kayo hinihintay. Maaari nga'y tawagin mo na ng makakain na kayo ng pananghalian." bilin naman nito at agad umalis at marahil ay tumungo na sa kusina. Kami naman ay dumiretso sa lanai na nag- uugnay sa garden.

BINABASA MO ANG
This Love
RomansaThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...