Chapter 50: Seduce

47 3 6
                                    

Nag- alok si Gio Paul na siya na lamang ang magbibitbit ng aming mga pinamili na sinang- ayunan ko na lamang. Ang mga bata naman ay hindi magkandaugaga sa kakadaldal sa kanya na hindi naman niya kinaiinisang sabayan.

Tumunog ang kampana ng simbahan. Hudyat na alas dose na ng tanghali. Isang oras pa ang pagbalik namin sa bundok at tig- iisang kamote at kaunting kape lamang ang laman ng tiyan ng bawat isa sa amin. Kung sa akin ay ayos lamang ngunit napatingin ako sa mga bata.

Sa kabila ng mga ngiti at kasiglahang kanilang ipinapakita, mababakas pa rin ang pagod sa kanilang mga mukha.




"Tara. Kumain muna tayo. I'm sure pagod at gutom na kayo." yaya ni Gio Paul. Hawak ang kamay ni Gelay at kasabay ang mga bata, tinungo nila ang pinakamatandang kainan dito sa bayan.
Hindi na ako nakaalma pa kaya naman sumunod na lamang ako.


Sa loob ay sinigurado ko munang maayos sila.





"Gelay, lalabas lang si Ate Elia ah. Huwag magpasaway at masyadong makulit, okay? Babalik ako kapag tapos niyo. " bilin ko sa kanya. Isang naguguluhan at takang mukha ang ipinakita niya sa akin ngunit tumango pa rin siya at nangakong gagawin ang bilin ko.




Naglakad na ako patungo sa labasan ngunit bago ko ito tuluyang marating ay naramdaman ko sa aking braso ang kamay na pumipigil sa akin.

Hinarap ko siya.







"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Sa labas. Huwag kang mag- alala babalik ako at hindi ko iiwan ang mga bata." iritable kong sagot na hindi ko rin malaman kung saan ba nanggaling. Bigla ay nakaramdam na lamang ako ng iritasyon sa kanya.

"Bakit ka lalabas? Ang sabi ko ay kakain tayo. Tayo. Ako, ang mga bata at ikaw." pagdidiin niya lalo na sa huling salitang kanyang sinabi. Hindi ako nakapalag lalo na ng igala ko ang aking paningin sa kabuuan ng kainan. Maraming mga mata ang nakatuon na sa aming dalawa. Tila nag- aabang at naghihintay sa susunod na mangyayari.




Itinuon ko naman ang aking pansin sa mga bata. Mga nakatakip sila sa kanilang bibig o hindi kaya'y nakakagat sa kani- kanilang labi para pigilin ang mga ngiting gusto ng sumilay sa kanilang mga labi.

Hindi pa rin inaalis ni Gio Paul ang kanyang pagkakahawak sa aking braso ngunit ang kaninang seryoso at ma- awtoridad niyang mukha ay napalitan ng mapaglaro at natutuwang mukha.

Napasimangot na lamang ako lalo na ng kumindat siya kay Gelay at pumalakpak naman ang huli bago ako hilahin pabalik sa mesang kanilang inokupa. 

Dumating ang mga in- order niyang pagkain. Para sa akin ay masyado itong marami ngunit hindi ko na lamang ibinulalas pa. Paniguradong magtatalo na naman kami kaya ipinagkibit- balikat ko na lamang ang bagay na ito.


"Kito." sita ko sa pinakamatanda sa mga bata na edad 15 na ng sana'y magsisimula na siyang magsandok ng para sa kanya.

"Pasensya na po." paghingi nito ng paumanhin at umayos ng pagkakaupo sa mesa. Napayuko na lamang ito at alam kong nahihiya na ito ngayon sa akin.

"Ang sungit mo naman. Let them. I really bought all of these food for them." biglang singit ni Gio Paul at naupo na sa upuang kaharap ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit nginitian niya lamang ako at itinuon na ang pansin sa mga bata.



Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang pinapaliwanag sa mga bata kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksyon ko. Tinanong niya rin kung nauunawaan na ba nila ang punto ko at tumango naman sila.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon