Dahil Lunes ay maaga ako nagising at hindi na lamang inabala pa ang natutulog pang si Gio Paul. Matapos ko siyang iwan sa may cliff ay hindi na kami ulit nagkaroon ng maayos na pag- uusap o mas tamang sabihing hindi na kami ulit nag- usap pa kagabi.
Nang makarating kasi ako kagabi ay agad ko ng tinabihan si Gelay na himbing na sa pagtulog. Ngunit hindi naman ako agad inantok. Narinig ko pa ang pagdating niya rin ilang sandali pa.
Ipinagpasalamat kong nakatalikod ako sa nagsisilbing pintuan o harang sa aming mga kwarto dahil narinig ko ang iilang buntong hininga niya. Hindi ko nga lamang sigurado kung mayroon pa ba siyang ibang sinabi o ginawa dahil pinilit ko talagang makatulog.
Hindi naman sobrang aga ang klase namin. Ayoko lang talagang magpang- abot pa kaming dalawa. Ayokong magtagumpay siya sa balak niya kaya ako na ang gagawa ng paraan para hindi kami magkita o magkausap.
Nang dumating ako sa aming munting silid- aralan kasama si Gelay ay nagtulong muna kami sa pagwawalis sa lupa nitong sahig at sa pagpupunas sa mga kahoy na mesa't upuan na mismong mga magulang pa ng mga bata ang gumawa.
"Sige na Gelay, maupo ka na sa pwesto mo." marahan kong utos sa kanya na agad niya namang sinunod. Ako naman ay dumiretso sa cabinet na pinaglagyan namin ng mga napamili naming mga karagdagang gamit kahapon.
Kinuha ko mula rito ang mga magkakapatong na notebook na nabili namin ng mura at isa- isang nilagyan ang mga mesa. Sunod ay ang mga tinasahan kong lapis. Huli ko namang kinuha ay chalk na aking gagamitin at tinungo na ang aking nagsisilbing teacher's table.
Ilang sandali pa ay sunod- sunod ng nagsidatingan ang aking mga estudyante at masayang- masaya ng makita ang mga nakaayos na notebook at lapis sa kani- kanilang mga mesa.
Bago ako magsimula sa aking klase sa araw na ito ay pumunta muna ako kay Ate Sen na hindi kalayuan ay kasama sa mga grupo ng mga kababaihang gumagawa ng mga handicrafts at nagbuburda.
"Ate Sen, naghanda naman na po ako ng para sa almusal ni Gio Paul. Kung sakali man pong magising na siya at hanapin ako pakisabi na lang po na nagtuturo na ako." magalang kong bilin at pakikisuyo.
"Sige na Elia. Ako na ang bahala kay Gio." paninigurado naman niya. Nagpasalamat ako at bumalik na sa aking klase at tsaka pa lamang nakapagsimula.
Hindi masyadong mainit ang sikat ng araw kaya naman naging mas magaan sa akin ang araw na ito. Hindi kasi sila nagrereklamo o hindi nila iniinda ang panahon ngayon.
Sumapit ang alas onse at natapos na rin ang aming klase sa araw na ito. Isa- isa ng nagliligpit ng kani- kanilang gamit ang mga bata at nagpaalam sa akin para umuwisa kani- kanilang mga kubo.
Lumabas na rin kami ni Gelay. Hawak ko ang maliit niyang kamay ng matanaw ko sa hindi kalayuan na naririto na namang muli ang punong abala sa mga lupain ngunit sa pagkakataong ito ay kasama niya ang tagapamahalang pulis ng bayan.
Agad kong naramdaman ang kaba. Kaya nagmamadali kong inihatid si Gelay sa aming kubo. Buti na lamang at naririto na si Ate Sen.
"Elia, may problema ba?" tanong ni Ate Sen ng makitang nagmamadali ako sa pagkuha ng aking bag at pagsisigurong kumpleto ang laman nito.
"Wala po Ate. Hindi nga po pala ako makakasabay sa tanghalian." sagot ko ng hindi siya nililingon. Ngunit bago ako tuluyang umalis ay nilapitan ko muna si Gelay.
"Aalis lang sandali ang Ate Elia ha? Kahit anong mangyari, mahal na mahal kita. Kayong lahat." sabi ko sa kanya at kinintalan siya ng halik sa noo at niyakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...
