Thank you for reading. :)
-
I put my wayfarers on. I don't want anyone to see how bloodshot my eyes are. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan.
"Iho, tuloy ka na ba talaga?" tanong ni Mang Cardo. Mula sa rearview mirror ay mataman siyang nakatitig sa akin, nagtatanong, naninigurado.
"Opo." tipid kong sagot at nag- iwas na ng tingin. Itinuon ko na lamang sa labas ang aking pansin.
I once more looked at the house I'm about to leave earlier than expected. Nang dumako ang aking paningin sa tanging kwarto kung saan nakabukas ang ilaw ay nakaramdam ako ng kirot. My mother is weeping inside that room and I was the reason for it. But my decision is final.
"Tara na po." sabi ko kay Mang Cardo. Tumango siya at pinaandar na ang sasakyan. Maaga pa kaya mabilis kaming nakarating sa airport.
Naunang bumaba si Mang Cardo at dumiretso na upang kunin sa compartment ang mga bagahe ko. Humugot ako ng isang malalim na paghinga bago tuluyang lumabas mula sa sasakyan. Inabot sa akin ni Mang Cardo ang mga bagahe ko. Nagpasalamat ako at nginitian siya ng tipid. Akmang tatalikod na ako ng magsalita siya.
"Kinausap mo ba siya? Inalam mo ba ang panig niya?" His words made everything that I witnessed on our engagement night come in flashes. Napakuyom ako ng kamay.
"Para saan pa po? Kung totoo ang nararamdaman niya, hindi niya dapat ginawa 'yon." I answered coldly.
"Sana ay hindi mo pagsisihan ang desisyon mo." malungkot niyang sabi na binalewala ko lang. Magalang na akong nagpaalam at dumiretso na sa loob ng airport.
Nang makaupo ako sa linya ng mga bakanteng upuan ay tila pagod na pagod ako. Isa- isang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ang lahat ng nangyari. From the very start to that night at the garden where I saw her kissing one of my colleagues until that one afternoon.
Lulan ako ng sasakyang hindi niya kilala. I don't want her to know that easily that I am so fucked up and that I'd beg for her kahit na siya ang may iba. Kahit na hinayaan niya ang iba sa labi niya. Kahit na nakahanap agad siya bago pa ako umalis. Kahit pa nagawa niya iyon sa mismong engagement party namin.
Nanatili pa akong nagmamasid lang sa kanya. I needed more courage and strength before facing her again. But damn it. I miss her so much. I miss her face. I miss her scent. I miss her voice. I miss her touch. I miss her lips. I miss everything about her. And it's killing me.
Humugot ako ng isang malalim na paghinga at nagdesisyong lapitan na sana siya. But when I saw that same guy holding her, nawala ako sa sarili. I was mad and at the same time, so broken. So she was waiting for him all along, huh?
Hinampas ko ang manibela. Tang ina. Kailan niya pa ako niloloko? Kung kailan ikakasal na kami tsaka pa siya nagloko. Sana hinintay niyang makaalis ako bago niya ginawa. Para hindi ko agad malaman. Para hindi ko na lang siguro malaman pa. Para matapos niya ng hindi pa ulit ako nakakabalik. Para naisip niyang mali. Pero, hindi eh.
"Bullshit!" sigaw ko at isang beses pang hinampas ang manibela.
I wanted to leave already but my body wouldn't agree with my mind anymore. Ni hindi ko alam kung paano ikikilos ang mga paa at kamay ko. Ni hindi ko rin maialis ang tingin ko sa kanilang dalawa. The next thing that happened was torture.
Bakit ang bilis naman? Nagsawa siya agad sa'kin? Was I not good enough? May kulang ba sa'kin? Hindi ba ako naging nobyo sa kanya? Anong nagawa kong mali para magkaroon siya ng iba? Marami pang ibang katanungan ang naibato ko sa aking sarili habang pinagmamasdan silang magkayakap.
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...