"Stubborn lady." pagalit na tinuran ni Gio Paul habang pinipiga ang bimpong hawak.
Mahinang tawa ang isinagot ko sa kanya. As expected ay nagkasakit ako. Ang kagabing sipon lang ay naghantong sa lagnat ng magmadaling araw na.
"You can still laugh habang may sakit ka na dyan at alalang- alala ako sa'yo." dagdag niya pa bago ilagay sa aking noo ang basang bimpo. Marahan ang bawat kilos niya na hindi ko naiwasang hindi pagmasdan.
Puno ng pag- aalala ang kanyang mga mata ng tumitig sa akin. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ng bedside table.
"How are you feeling right now?" Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. Tumango ako at binigyan siya ng isang ngiting nagpawi ng kanyang mga alalahanin. Ngumiti rin siya sa akin.
"I feel so much better right now. Ikaw kasi ang nag- aalaga sa akin." sabi ko at tinusok ang kanyang tagiliran. Bahagya siyang napaurong sa ginawa ko kaya naman napahagikhik ako.
"Stop it. I'll be staying home to take care of you, kay?" sabi niya. Ngunit hindi ako nakadama ng saya dahil doon. Mas nangibabaw sa akin ang guilt at pag- aalala dahil sa may klase siya ngayong araw at sa mga aasikasuhin niya sa kanilang kompanya.
"Hey! What's the matter, Annelia? Masama na naman ba ang pakiramdam mo?" sunod- sunod niyang tanong na puno ng pag- aalala. Umiling lamang ako pero nanatiling tahimik. Umupo siya sa gilid ng kama at tinitigan ako. Yung malalim. Yung nakakaliyo. Yung halos malunod na ako.
"Annelia. What's bothering you?" Hinaplos niyang muli ang aking pisngi at hinawakan ang isang kamay ko. Pinisil niya ito urging me to tell him what's in my mind.
"Dapat ay nasa SJU ka ngayon at humahabol sa mga klase mo and after that, sa kompanya niyo para maasikaso yung mga dapat. I'm sorry kasi nasira ko ang schedule mo." malungkot kong sabi. Nararamdaman ko ang pag- init ng gilid ng aking mga mata pati na rin ang pamumuo ng bukol sa aking lalamunan.
"Hindi ko naman akalain na magkakasakit ako eh." dagdag ko pa.
"So that's the problem of my princess, hmm?" tanong niya sa isang malambing na tono. Tumango ako dahil hindi ko yata kakayanin ang magsalita dahil sa nag- aambang mga luha.
Inayos niya ang kanyang sarili at tumabi sa akin. Ngunit nanatili siyang nakaupo, resting the half of his body on the headboard. Siya mismo ang naglapit sa akin sa kanya.
BINABASA MO ANG
This Love
RomanceThey were of two different worlds. Si Annelia Rodriguez ay isang working student at scholar ng St. John University o SJU at ulila nang lubos. Gio Paul Almendras, on the other hand is the Student Council President, Captain of the Basketball Team, at...
