Chapter 56: You're here

49 2 4
                                        

"You were w- what?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Don't me make me say it again." nagsusumamo niyang sabi at nag- iwas ng tingin sa akin. Nanatili naman akong nakatitig sa kanya, hindi makapaniwala sa mga salitang sinabi niya. Nagkamali ba ako ng rinig? O baka ako ang nakainom? Pero, sigurado akong yun mismo ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig.

Bigla na lang siyang tumayo at dumiretso sa kanyang mesa. Kinuha niya ang kanyang coat pati na rin ang kanyang susi at wallet tsaka ako hinarap.

"Let's go home." yaya niya sa akin at naglahad ng kamay. Tinanggap ko na lamang ito dahil hindi ko alam kung ano ang tamang sasabihin. Magkahawak- kamay kaming lumabas ng kanyang opisina kaya natigilan sa kani- kanilang mga ginagawa ang mga taong nakakakita sa amin. Manghang- mangha sila ng makita ang kanilang boss na lumabas ng opisina at tila magaan ang aura. Ang ilan sa kanila ay binigyan ako ng mga nagtatanong na mga tingin ngunit ang mga naging malapit na sa akin ay isang nang- aasar na tingin ang ipinukol.

Tinignan ko sila ng masama pero sabay- sabay silang humagikgik sa kanilang pwesto. Ang kasama ko naman ay diretso lang ang lakad at tila walang pakialam sa kanyang paligid. Parang walang nangyari kanina. Parang hindi niya pinamroblema ang kanyang mga empleyado sa kanyang ginawa. Parang walang mga business transactions na nawala sa kanila.

Napailing na lang ako ng wala man lang sabihin si Gio Paul sa kanila hanggang sa makalagpas na kami at makarating sa elevator.

"Hindi ka man lang nag- sorry." komento ko ng makapasok na kami sa elevator. Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko kahit na pilit ko itong pinipiglas.

"Why would I? It's not my fault. It's that stupid employee's fault for saying bad words in public." tila iritable niyang sabi at hinigpitan pa lalo ang hawak sa kamay ko pero gusto ko na talaga itong bawiin dahil naiilang na talaga ako. Totoo kasi ang sinabi ng IT specialist ng kompanya. Parang babaeng mayroon si Gio Paul dahil sa pabago- bago niyang pakikitungo at kilos.

"You can let go of my hand now." sabi ko ng palabas kami ng elevator sa 15th floor para kunin ang bag ko at ilan pang naiwan kong gamit dahil sa kanina.

"Where's your table?" parang wala siyang narinig at tinanong lang ako habang iginagala ang paningin sa aming department para hanapin ang table ko.

"Bitawan mo muna yung kamay ko tapos ako na lang ang kukuha ng gamit ko. Diyan ka na lang." sagot ko para hindi na niya maagaw pa ang atensyon ng mga kasama ko dito. Mabuti nga at tila abala ang lahat sa pagtapos ng mga ginagawa habang ang iba ay naghahanda na sa pag- uwi.

Pero hindi niya ginawa. Nanatiling magkahawak ang aming mga kamay at hinila niya ako palapit sa isang kasamahan ko na nagliligpit ng kanyang gamit.

"Excuse me. Where's the table of Ms. Rodriguez?" tanong niya sa nakatalikod na babae kaya nasapo ko ang aking noo dahil sa kakulitan niya.

"Table po ni Ms. Rodriguez?" tanong nito pagkaharap na agad namang natigilan ng makita kung sino ang kanyang kaharap.

"Yeah. Ayaw niya kasing sabihin sa'kin so can you tell me kung saan?" kalmante niyang tanong pero hindi naman nakatingin sa kausap at nagmamasid sa paligid na parang may hinahanap.

"Good afternoon, Sir. Ah- eh yung table po ba ni Ms. Rodriguez? Yung nasa dulo po katabi ng glass window." sagot niya na nagpabalik ng atensyon ni Gio Paul sa kanya. Nginitian siya nito at nagpasalamat. Kitang- kita ko naman ang pagpula ng pisngi ng dalaga kaya napailing ako at napasimangot habang tinatahak na namin ang daan papunta sa table ko.

"Now, don't give me that face. I asked her because you don't want to tell me where your table is." tatawa- tawang sabi niya ng malapit na kami sa table ko.

This LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon